Public Information-Asipulo, Ifugao

Public Information-Asipulo, Ifugao The official page of the Municipal Government of Asipulo, Ifugao managed by the Office of the Municipal Mayor - Information Office.

ABISO | Dahil sa banta ng African Swine Fever, ipinagbabawal ang mga sumusunod sa Asipulo1. ​Ang pagpasok, pagbyahe, pag...
28/08/2026

ABISO | Dahil sa banta ng African Swine Fever, ipinagbabawal ang mga sumusunod sa Asipulo

1. ​Ang pagpasok, pagbyahe, pagbaba, pagbenta, pamimigay, at pag-imbak ng mga buhay na baboy galing sa mga farm at lugar na apektado ng ASF nang walang permit at clearance.

2. ​Ang pagbyahe ng mga buhay na baboy galing sa mga farm na may ASF o mula sa mga lugar na nasa loob ng 500-metrong layo mula sa farm o lugar na positibo sa ASF.

3. Ang paglipat ng mga buhay na baboy, karneng baboy, mga produktong gawa sa baboy, balat, laman-loob, dugo, semilya, at iba pang bahagi ng baboy galing sa mga lugar na apektado ng ASF nang walang tamang dokumento mula sa beterinaryo at gobyerno.

4. ​Ang pagsakay, pagbaba, paglipat, o pag-iba ng ruta ng mga buhay na baboy habang nasa byahe, maliban kung pinayagan ng mga awtoridad,

5. ​Ang pagbyahe ng mga baboy na nagpapakita ng senyales ng sakit, posibleng may impeksyon, o galing sa mga naka-quarantine na lugar.

6. ​Ang pagpasok ng karneng baboy at mga produktong baboy galing sa mga lugar na apektado ng ASF nang walang tamang inspeksyon, sertipiko, at permiso mula sa Bureau of Animal Industry at iba pang ahensya ng gobyerno.

Para sa karagdagang impormasyon, pag-report at pag-verify ng mga byahe ng buhay na hayop at karneng baboy, mangyaring makipag-ugnayan sa: 0905-434-0221, Municipal Livestock Coordinator.

17/08/2026

REWIND | 𝗔𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮

Paglulunsad ng Project LINGGOP ng MAGPTD

17/08/2026

REWIND | 𝗔𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮

Ijadjang Congress

17/08/2026

𝗔𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮

Measles Rubella Supplemental Immunization Activity

17/08/2026

𝗔𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮

Turn-over ng Level II Potable Water Systems sa Asipulo

𝐌𝐞𝐤𝐢-𝐟𝐥𝐚𝐠 𝐜𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐢𝐬𝐬𝐮!Gusto mo bang maunang malaman ang mga mahahalagang balita, programa, at anunsyo ng Lokal na Pama...
17/08/2026

𝐌𝐞𝐤𝐢-𝐟𝐥𝐚𝐠 𝐜𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐢𝐬𝐬𝐮!

Gusto mo bang maunang malaman ang mga mahahalagang balita, programa, at anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Asipulo? Basahin ang caption ng bawat larawan upang makita ang mga tampok na ulat at mahahalagang impormasyon mula sa Flag Raising Ceremony, Agosto 17, 2026, na pinangunahan ng Kawanihan ng Pamatay-Sunog.

Mula sa mga administratibong update hanggang sa mga programang may direktang epekto sa komunidad, bawat impormasyon ay mahalaga upang manatiling mulat at kabahagi sa pag-unlad ng ating bayan. May kakilala ka bang dapat makaalam? I-tag sila, i-share ang post, at ipakalat ang wasto at angkop na impormasyon. Sama-sama tayong maging responsableng mamamayan at manatiling maalam sa mga nangyayari sa Asipulo.

12/08/2026

𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟏𝟑𝟖𝟗, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Declaring Friday, 11 September 2026, a Special (Non-Working) Day in the Cordillera Administrative Region

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/exgAdV

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔? | 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝘆Ibahagi ang salin sa Keley-i, Kalanguya, Ijadjang o Y...
12/08/2026

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔? | 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝘆

Ibahagi ang salin sa Keley-i, Kalanguya, Ijadjang o Yattuka sa comments. Kung may higit sa isang natural na paraan ng pagsasabi nito, ilagay lahat!

𝗧𝗮𝗽𝗮𝘄𝘄𝗲𝗽𝗲𝘆! 𝗘𝗽𝗲𝗹𝗲𝗽𝗲𝗴 𝗸𝘂𝗽𝘂 𝗮𝗽𝗮𝗺𝘁𝗮𝗽𝗮.Alam mo bang may isa pang paraan ng “coded” na pakikipagtalastasan na ginagamit ng il...
11/08/2026

𝗧𝗮𝗽𝗮𝘄𝘄𝗲𝗽𝗲𝘆! 𝗘𝗽𝗲𝗹𝗲𝗽𝗲𝗴 𝗸𝘂𝗽𝘂 𝗮𝗽𝗮𝗺𝘁𝗮𝗽𝗮.

Alam mo bang may isa pang paraan ng “coded” na pakikipagtalastasan na ginagamit ng ilang tagapagsalita sa Asipulo? Sa paraang ito, nilalagyan ng pa, pe, pi, po o pu ang bawat pantig ng salita. May sinusunod itong pattern depende sa kung paano nagtatapos ang pantig.

1. Kapag nagtatapos sa patinig ang pantig, idinadagdag ang katumbas na pa-pe-pi-po-pu pagkatapos nito.

Halimbawa, ang “tuu” ay papantigin bilang tu-u at magiging:

tu(pu)-u(pu)

2. Kapag nagtatapos sa katinig ang pantig, inilalagay ang pa-pe-pi-po-pu bago ang huling katinig.

Halimbawa, ang “man-elem” ay papantigin bilang man-e-lem at magiging:

ma(pa)n-e(pe)-le(pe)m

Ang patinig ng pa-pe-pi-po-pu ay umaayon sa patinig ng pantig: a → pa, e → pe, i → pi, o → po, u → pu.

Ang nakakatuwa, hindi lang ito ginagamit sa mga lokal na wika. Maaari rin itong gamitin sa iba pang wikang ginagamit natin, pati Filipino at Ingles.

Halimbawa:

Pwepedepe ipitopo sapa wipikapang Fipilipinopo.
Puwede ito sa wikang Filipino.

Sa Ingles, sinusunod ang bigkas sa paglalagay ng pa-pe-pi-po-pu, hindi ang spelling. Halimbawa, ang Can I buy sugar? ay binibigkas na parang “ken ay bay shugar?”, kaya nagiging “Kepen apay bapay shupugapar?”

Ayon sa ilan nating nakausap, alam at nauunawaan din ito ng ilang nakatatandang henerasyon. Iba ito sa pananalitang pabaligtad na maaaring gamitin ng mga kabataan noon bilang paraan para hindi agad maintindihan ng mga nakatatanda.

Kaya kung marunong ang lola o lolo mo nito, hindi mo sila basta-basta maloloko sa pa-pe-pi-po-pu.

May nakakaalam pa ba sa inyo ng ganitong paraan ng pagsasalita? Subukan ninyo sa comments at tingnan natin kung sino ang makaka-decode!

—-
Samahan kami ngayong Buwan ng Wikang Pambansa sa pagdiskubre sa mayamang pagkakaiba-iba ng mga wika sa Asipulo.

𝗣𝗮𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮
𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘸𝘢𝘴𝘵𝘰 𝘰 𝘭𝘪𝘯𝘢𝘸𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘪𝘵𝘢𝘮𝘢.

10/08/2026

𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗞𝗔𝗠𝗜 | Simula bukas, Agosto 11, 2026, ito na ang mga iiral na pamasahe sa van. Alinsunod ito sa kasunduan ng mga commuter at mga van operators at drivers sa isinagawang public hearing noong Agosto 7, 2026.

Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Asipulo ang napagkasunduang pamasahe sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 2026-173.

Kung may mga lalabag sa itinakdang pamasahe, maaaring ipagbigay-alam ito sa munisipyo para sa karampatang aksyon.

Address

Municipal Hall, Neduntog, Antipolo, Asipulo
Ifugao
3610

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information-Asipulo, Ifugao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Information-Asipulo, Ifugao:

Shortcuts

Share