01/06/2026
πππππππ | πππππ πππππππππ ππππππ πππππππ, πππππππππ ππππππππ ππ ππππππ π
πππ πππππππ ππππππππ
Iguig, Cagayan | Hunyo 1, 2026 β Pinarangalan ang Iguig Municipal Police Station (MPS) sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo, dedikasyon, at husay sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan at Papuri ang mga sumusunod na tauhan ng pulisya:
β’ PSMS Julius Narag
β’ PMSg Reynante Defeo
β’ PMSg Julius Ucol
β’ PMSg Karen Escobar
β’ PSSg Veronica Tannagan
Ang nasabing pagkilala ay iginawad bilang patunay ng kanilang kahusayan sa serbisyo publiko, propesyonalismo, at epektibong pagsasagawa ng mga police operations at community engagement programs na malaking ambag sa pagpapanatili ng seguridad sa Iguig, Cagayan.
Kasabay nito, kinilala rin ang ibaβt ibang istasyon ng pulisya sa ilalim ng Cagayan Police Provincial Office para sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programa at kampanya ng kapulisan sa rehiyon.
Ayon sa pamunuan, ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap at dedikasyon ng kapulisan sa buong lalawigan ng Cagayan na maglingkod nang may integridad at kahusayan tungo sa isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad.