16/08/2026
🔥 PADAYON, KABATAANG ABUANIAN! 🌟
Isang matinding pagpupugay sa buong barangay Cabisera 27!
Taos-pusong kagalakan at pagmamalaki ang ating nararamdaman sa pagiging DOUBLE FINALIST sa 6th Gawad Ulirang Kabataan sa buong Lalawigan ng Isabela!
✨ TOP FINALIST: Outstanding Sangguniang Kabataan Barangay
✨ TOP FINALIST: Outstanding Sangguniang Kabataan Project (Roots and Reach)
Ang tagumpay na ito ay buong-puso naming iniaalay sa bawat kabataan ng Cabisera 27.
Ang inyong tiwala, suporta, at pakikiisa sa ating mga programa-mula sa pangangalaga sa ating kalikasan, pag sulong sa kalidad na edukasyon hanggang sa pagpapatatag ng ating komunidad ang tunay na nagtutulak sa atin para maglingkod nang higit pa sa inaasahan.
Hindi dito nagtatapos ang ating biyahe. Patuloy tayong magsisilbing inspirasyon, magsusulong ng positibong pagbabago, at mag-iiwan ng makabuluhang marka!