23/07/2026
DOH: NUTRISYON AY PANGALAGAAN HABANG HINAHARAP ANG NAGBABAGONG KLIMA!
Ang matinding init, bagyo, baha, at tagtuyot ay nakaaapekto sa ating mga pananim at suplay ng pagkain. Ang pagtatanim sa bahay at pagsuporta sa lokal na ani ay nakatutulong sa pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain, pagsuporta sa ating mga magsasaka at mangingisda, at pagharap sa epekto ng pagbabago ng klima.
Maari tayong magtanim ng masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas, pumili ng lokal na ani at alagaan ang kalikasan para sa mas malusog na komunidad!
DOH: PANGALAGAAN ANG KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN PARA SA MASUSTANSYANG KINABUKASAN!
Sama-sama nating isulong ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan at mas ligtas na kapaligiran.