201st MC, RMFB2

201st MC, RMFB2 201st Maneuver Company is an operating unit of the Regional Mobile Force Battalion 2

02/06/2026
𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐘𝐚𝐤𝐮𝐬𝐡𝐢 𝐓𝐡𝐞𝐫𝐚𝐩𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, 𝐚𝐭 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐛𝐨𝐧𝐞 𝐌𝐨𝐭𝐨𝐜𝐥𝐮𝐛 𝐏𝐇, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐏𝐮𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐎𝐮𝐭𝐫𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝐈...
01/06/2026

𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐘𝐚𝐤𝐮𝐬𝐡𝐢 𝐓𝐡𝐞𝐫𝐚𝐩𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, 𝐚𝐭 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐛𝐨𝐧𝐞 𝐌𝐨𝐭𝐨𝐜𝐥𝐮𝐛 𝐏𝐇, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐏𝐮𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐎𝐮𝐭𝐫𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚.

Isang matagumpay na outreach program ang magkatuwang na isinagawa ng Yakushi Therapy Center, Underbone Motoclub Philippines, at ng 201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) na isinagawa kahapon May, 31, 2026.

Layunin ng aktibidad na maghatid ng tulong at ngiti sa mga residente ng mga liblib at malalayong komunidad sa lalawigan. Ang mga sumusunod na lugar ang naging benepisyaryo ng nasabing programa:
• Sitio Minanga, Barangay Bigao, San Mariano, Isabela
• Sitio Lagis, Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela

Dahil sa pagkakaisa ng puwersa ng pamahalaan, ng pribadong sektor para sa kalusugan, at ng mga riders mula sa motoclub, matagumpay na naiparating ang mga donasyon at serbisyo sa mga pamilyang naninirahan sa mga nabanggit na sitio. Ayon sa pamunuan ng mga nakiisang grupo, ang ganitong mga hakbang ay patunay na buhay na buhay ang bayanihan kapag nagtutulungan ang iba't ibang sektor ng lipunan. Labis naman ang pasasalamat ng mga residente at ng mga lokal na opisyal ng barangay sa biyayang kanilang natanggap.



𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐀𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐑𝐮𝐦𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞 𝐚𝐭 𝐍𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞!Muling pinatunayan ng mg...
30/05/2026

𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐀𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐑𝐮𝐦𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞 𝐚𝐭 𝐍𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞!

Muling pinatunayan ng mga tauhan ng 201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa oras ng emergency matapos silang magbigay ng agarang paunang lunas sa isang ginoong naaksidente sa brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela, ngayung araw May 30, 2026.

Agad na umaksyon ang ating mga kapulisan matapos makatanggap ng report patungkol sa insidente bandang 9:00 ng umaga, Pagkarating sa lugar ng insidente mamataan ang biktima na sugatan dulot ng insidente, agad naman itong nilapatan ni Patrolman Angelito Cureg ng paunang medikal na atensyon bago tuluyang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan.

Ang mabilis na pagtugon na ito ay bahagi ng patuloy na komitment ng yunit na hindi lamang magpanatili ng kapayapaan, kundi ang maging takbuhan at tagapagsalba ng mamamayan sa panahon ng sakuna.

Pahalagang Paalala Bago Bumiyahe: Siguraduhin ang "BLOWBAGETS"

Bago pa man iandar ang makina, ugaliing suriin ang iyong sasakyan gamit ang sikat na checklist na ito:
• B - Battery (Gumagana ba nang maayos ang baterya?)
• L - Lights (Gumagana ba ang headlights, signal lights, at brake lights?)
• O - Oil (Sapat ba ang langis ng makina?)
• W - Water (May sapat na tubig o coolant sa radiator?)
• B - Brakes (Kumakagat ba nang maayos ang preno?)
• A - Air (Tama ba ang pressure o hangin ng mga gulong?)
• G - Gas (Sapat ba ang krudo o gasolina para sa ruta?)
• E - Engine (May kakaiba bang tunog o tagas sa makina?)
• T - Tires (May pudpod ba o sira sa mga gulong?)
• S - Self (Ikaw ba ay nasa tamang kondisyon, walang sakit, at hindi inaantok?)



"𝐊𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐊𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧!"Kasado na ang ating mga Kapulisan mula sa 201ST Maneuver Co...
30/05/2026

"𝐊𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐊𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧!"

Kasado na ang ating mga Kapulisan mula sa 201ST Maneuver Company, RMFB2 para sa taunang Brigada Eskwela!

Buong-puso at handang-handa ang inyong kapulisan na magbahagi ng lakas, oras, at serbisyo upang tiyaking malinis, maayos, at ligtas ang mga paaralan para sa pagbabalik- eskwela ng ating mga mag-aaral.

Hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan ang ating tungkulin, kundi maging sa paghubog ng magandang kinabukasan ng kabataan. Saludo sa lahat ng nakikiisa!


𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧: 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧.Ngayong Ika-128 na Araw ng Kalayaan, ating ipagdiwang ang makulay at...
28/05/2026

𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧: 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧.

Ngayong Ika-128 na Araw ng Kalayaan, ating ipagdiwang ang makulay at makasaysayang landas na tinahak ng ating mga bayani. Ang ating nakaraan ang siyang nagpatibay sa ating kasalukuyan, at ang ating pagkakaisa ngayon ang magdidikta sa ating bukas.

Mabuhay ang malayang Pilipinas! Isulong ang mas maunlad at matatag na kinabukasan para sa bawat Pilipino.



𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐌𝐚𝐬 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐞𝐜𝐤𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐠𝐮𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨  𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 ...
28/05/2026

𝟐𝟎𝟏𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐞𝐮𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲, 𝐌𝐚𝐬 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐞𝐜𝐤𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐠𝐮𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐨 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬, 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚.

Mas lalo pang hinigpitan at pinalakas ng 201st MC, RMFB 2 ang kanilang pagpapatupad ng mga estratehikong checkpoint sa bayan ng Sto Tomas.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalawak na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Inaasahan na magpapatuloy ang ganitong uri ng operasyon sa mga susunod na araw bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay ng 201st MC para sa isang mas ligtas at mapayapang pamayanan.

Panawagan sa Publiko

Kaugnay nito, nanawagan ang 201st MC sa mga motorista at sa publiko na maging kooperatibo sa tuwing daraan sa mga checkpoint. Pinapaalalahanan ang lahat na ihanda ang mga kaukulang dokumento tulad ng:

• Lisensya sa pagmamaneho (Driver's License)

• Sertipiko ng Rehistro ng Sasakyan (Official Receipt at Certificate of Registration o OR/CR)

• Iba pang pagkakakilanlan kung kinakailangan



The 201st MC, RMFB2 showed its unwavering commitment to youth empowerment as PCPT ROLLY A MACARUBBO Acting Company Comma...
27/05/2026

The 201st MC, RMFB2 showed its unwavering commitment to youth empowerment as PCPT ROLLY A MACARUBBO Acting Company Commander of this unit delivered a significant message of support during the KKDAT Ilagan Summit 2026.

The Acting Company Commander of this unit lauded the youth delegates for their active participation and dedication to becoming catalysts for positive change.

He reiterated that the 201st MC will continuous backing of KKDAT programs, ensuring that the younger generation is equipped, protected, and inspired to lead their respective communities to toward a drug-free and secure future against terrorism.



As part of the continuous effort to strengthen grassroots partnerships for peace and security, PCpl Rodione Jay-R A Guev...
27/05/2026

As part of the continuous effort to strengthen grassroots partnerships for peace and security, PCpl Rodione Jay-R A Guevarra served as one of the Speaker during the recent KKDAT Ilagan Summit 2026.

PCpl Guevara conducted a comprehensive lecture on Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), emphasizing the crucial role of the youth sector in maintaining public safety, recognizing security threats, and preventing the exploitation of young citizens by lawless elements.

The 201st MC, RMFB2 remains steadfast in mentoring and empowering the youth to become proactive peace advocates in their respective communities.



Address

Ilagan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 201st MC, RMFB2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 201st MC, RMFB2:

Share