23/06/2026
Famous Vlogger na si Sergeybin at Elma hiwalay na nga ba?
Here's the full story of SerGeyBin message. (Para sa mga hindi makaview ng Photo at sa mga nakadata lang heto na).
Hindi biro ang pitong taon na saya at pagmamahal, kaya hayaan niyo ko ipaliwanag sa huling pagkakataon ang lahat.
Elma and I had a beautiful 7 years, but kaylangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay isalba ang relasyon namin. Matagal na po namin ito nilalaban at nilalabanan, pero hindi po namin masabi agad sa inyo dahil alam po namin na malulungkot kayo, dahil puro saya at pagmamahal lang ang naipakita namin sa inyo sa loob ng pitong taon, pero ang totoo marami rin kaming laban sa likod ng mga ngiti at saya na yon. Hindi rin po namin itatanggi na kaya ayaw pa namin sabihin noon kasi sinusubukan pa rin po namin ang lahat para ayusin ang relasyon namin, pero dumating na po kami dito, sa hangganan.
Masakit makita na nahihirapan ang isa’t isa pero mas mahirap makita na patuloy lang ang sakit kung ipagpapatuloy pa namin.
Aware rin po ako sa mga kumakalat na kwento nung nakaraan, nakakalungkot na sa simpleng litrato maraming kwento at haka-haka na ang nabuo. Alam ko na may mga taong iisipin na ang mga gawa-gawang kwento na iyon ang dahilan ng aming hiwalayan, kaya lilinawin ko lang po muli, kaibigan ko po iyon, at hindi po iyon ang dahilan ng aming hiwalayan. Alam rin po ni Elma na may kasabay akong lilipad noon dahil nagpaalam ako at may kanya-kanya kaming lakad.
Kaya humihingi po ako ng kapatawaran sa kaibigan ko na yon at lalo na sa pamilya niya dahil nadamay sila ng walang kamalay-malay, hinusgahan at kung ano-anong paninira na kwento ang naibato sakanila ng wala naman silang alam sa nangyayari. Kaya pati ang pamilya ko ay hiyang-hiya sa nangyari, kaya hinihiling po namin lalo na ako, na sana ay may pagkakataon na makaharap po ako sakanila sa unang pagkakataon at humingi ng kapatawaran personal at mabigay respeto sa lahat ng nangyari.
Gusto ko rin po humingi ng kapatawaran sa pamilya ko at lalo na sa pamilya ni Elma dahil sa sakit ng desisyon namin ito, kasi alam namin na kung mahirap sa amin, mas mahirap sakanila dahil pamilya na ang tingin namin sa isa’t isa.
Tito at Tita, patawarin niyo po kami dahil nasa dulo na po kami ng masaya naming pagsasama. Masakit man po sa amin gawin ito pero ito na po ang nakita naming solusyon. Andito lang po ako lagi, mananatili niyo po akong pamilya.
Sa lahat ng mga sumuporta sa amin mula umpisa, hindi niyo alam kung gaano kasakit sa amin yung desisyon na ito dahil parte kayo ng naging buhay namin. Isa kayo sa bumuo sa amin, isa kayo sa nagpapalakas sa amin pag mahina na kami, at isa kayo sa nagdala kung bakit kami nandito sa posisyon namin na ito. Kaya sana patuloy niyo pa rin kami suportahan sa tatahakin naming landas.
Elma, gusto ko lang sabihin na habang buhay ko dadalhin yung pagmamahalan natin at isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, wala akong pagsisi sa lahat ng nangyari dahil napakadami mong naituro sa akin at naitulong sa akin, ikaw ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay sa hirap man o saya, natapos man ang lahat pero ang saya ko lang na ang dami nating narating na magkasama at mga plano na natupad. Nasaksihan ko kung paano mo nabuo ang mga pangarap mo, kung gaano ka kasipag at kabuting tao, lahat ng mayroon ka ngayon ay pinaghirapan mo, saksi ako na maaga kang nagigising at umaga ka narin natatapos mag trabaho, sa kung paano mo inahon yung sarili mo at pamilya mo sa hirap, kung mayroon man akong ambag o naitulong sa tagumpay mo siguro yun lang ay ang suporta ko sa’yo, pero lahat yan ikaw ang may gawa. Proud ako sa’yo mula umpisa hanggang dulo. Ayoko magsalita ng tapos pero hindi naman natin alam kung ano pwede mangyari sa hinaharap, basta ako I will never forget you and I will always be here for you. Susuportahan at papalakpakan kita kahit nasa malayo ako. At gaya ng sabi mo ako din "you will always have a space in my heart".
Sana po ay respetuhin niyo itong naging desisyon namin at let's keep moving forward. Patuloy po namin susuportahan ang bawat isa at ganon din po sana kayo sa amin.
Every story has an end, but in life every ending is just a new beginning.