29/04/2022
MAGANDANG BALITA! Batas na ang matagal ng isinusulong ni Sen. Dick Gordon na tulong para sa mga pamilya na naging biktima ng sigalot sa Marawi noong 2017.
Ang mga survivors ay makatatanggap na ng dagdag panimula sa kanilang buhay. Higit dito, nais ni Senador Gordon na sila ay mabigyan ng pag-asa at matulungan din ang kanilang sarili na muling makaahon at magkaroon ng maaliwalas na bukas.
Bago pa man ang batas na ito, nanatiling kaagapay ng mga biktima ang Philippine Red Cross, sa pamumuno ni Sen. Dick Gordon, sa patuloy nitong pagtulong, pagpapadala ng pagkain, relief, at cash assistance sa mga apektadong pamilya.
Ang batas na ito ay tagumpay para sa mga kapatid natin sa Mindanao. Kay Sen. Wow Dick Gordon, di niya tayo pababayaan.