03/08/2026
BUWAN NG KASUOTANG PILIPINO ๐ต๐ญ
Ngayong unang Lunes ng Agosto, aming ipinagdiwang ang Buwan ng Kasuotang Pilipino sa Barangay Jovellar, Igbaras.
Lahat ng mga itinalaga at halal na opisyal ng aming barangay ay nakilahok, kasama ang mga magulang at kabataan ng Jovellar Day Care Center, alinsunod sa pamahalaang lokal ng Igbaras.
Marami ang natuwa sa kanilang magaganda at magagarang kasuotan. Higit sa lahat, ipinagdiriwang din namin dito ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa sariling kasuotang Pilipino.
Ang mga nagwagi sa patimpalak ng Pinakamagandang Kasuotang Pilipino ay tumanggap ng gantimpalang salapi mula sa aming mga halal na opisyal.
Taos-puso kaming nagpapasalamat kina Ginoong Kim Joseph Ferrer, Ginang Emilia Siacor, Ginang Jovana Eucogco, at Ginoong Kapitan Joel Estopacia.
Masaya ang lahat sa unang Lunes ng Agosto!
Nawaโy patuloy na maging masaya at maunlad ang aming komunidad.
#๐๐ผ๐๐ฒ๐น๐น๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ
Admin | Sir Carl James D. Egdane
Potograpo | Juliana Mariel Samillano