Department of Agriculture - Western Visayas

Department of Agriculture - Western Visayas Official page of the Department of Agriculture Regional Field Office VI is the media and communication arm of the
Department of Agriculture RFO 6
(3)

Hinihikayat ang mga Local Farmer Technicians na pahalagahan ang wastong pangangalap ng datos, maagap na pag-uulat, at ma...
06/09/2026

Hinihikayat ang mga Local Farmer Technicians na pahalagahan ang wastong pangangalap ng datos, maagap na pag-uulat, at mahigpit na pagsubaybay sa mga programang pang-agrikultura. Layunin nitong matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto ng Department of Agriculture Western Visayas sa bawat komunidad.

Kasabay nito, iniharap ang mga pinakabagong update ukol sa MRIDP, habang ibinahagi ng Landbank ang programang Agrisenso Plus para sa mga magsasakang nais kumuha ng agricultural related loans. Ipinaliwanag din ng DA-AMAD ang Sagip Saka Program upang mas mapalakas ang kita at pangkabuhayan ng ating mga lokal na producer.

05/09/2026
05/09/2026

Bawal ma-late sa bahay! 😌

Calling Grades V and VI pupils in Western Visayas who have talents in arts, join the upcoming World Food Day Regional On the Spot Poster Making Contest on September 23, 2026 in Iloilo City.

05/09/2026
Sa patuloy na pagsasaliksik ng OneRice Project para sa mas matatag na ani, nag-ipon ng mga suggestions ang Department of...
05/09/2026

Sa patuloy na pagsasaliksik ng OneRice Project para sa mas matatag na ani, nag-ipon ng mga suggestions ang Department of Agriculture (DA) Western Visayas at PhilRice mula sa mga magsasaka ng Brgy. San Miguel, Barotac Viejo sa ginanap na Farmer's Participatory Field Day.

Ang paglawak nga mga inirekumendang binhi ng palay tulad ng NSIC Rc 624, 632, 622, at 604 ang inimunkahi para matiyak na angkop ang mga ito sa kondisyon ng mga sakahan dito sa rehiyon.

04/09/2026
04/09/2026
Nagtala ng 8.74 metric tons per hectare (MT/ha) na ani si Norberto Asiwagan ng Brgy. Posadas, Sara, Iloilo gamit ang Jac...
04/09/2026

Nagtala ng 8.74 metric tons per hectare (MT/ha) na ani si Norberto Asiwagan ng Brgy. Posadas, Sara, Iloilo gamit ang Jackpot hybrid rice ngayong wet season. 🌾

Kamakailan, nakapag-ani siya ng 159 na sako ng palay, na may average na 55 kilo bawat sako. Bukod sa mataas na ani, nakinabang din si Norberto sa magandang buying price ng palay sa kanilang lugar na umaabot sa Php 24 kada kilo.

Bilang miyembro ng CADAPA Rice Cluster, nakatanggap siya ng de-kalidad na binhi, pataba, at teknikal na gabay mula sa Department of Agriculture Western Visayas at Municipal Agriculture Office. Ang mga suportang ito ay nakatulong upang mapalago ang ani at mapabuti ang kanyang produksyon.

📷 Assigned Cluster Coordinator: Keian Morenes & Assisting AEW: Jennel Lanciola

YFC Season 6: Para sa Region 6, ito na!57 provincial awardees ang nagdala ng kani-kanilang kwento, diskarte, at pangarap...
04/09/2026

YFC Season 6: Para sa Region 6, ito na!

57 provincial awardees ang nagdala ng kani-kanilang kwento, diskarte, at pangarap sa Young Farmers Challenge 2026. Sila ang nagbuo ng 38 winning enterprises sa tatlong kategoriya na produksyon, processing at digital agriculture.

Marami ang nag-doubt. Pero mas marami ang sumubok. At doon naman talaga nagsisimula ang lahat.

Kaya kung ikaw ay isang young farmer at matagal mo nang iniisip na “Pwede kaya ako?” Huwag puro tingin sa challenge. Galaw-galaw din.

Address

Parola, Fort San Pedro Street
Iloilo City
5000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agriculture - Western Visayas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agriculture - Western Visayas:

Shortcuts

Share