Barangay Calumpang

Directions Contact the organization

Barangay Calumpang Official Page of Barangay Calumpang

i❤️Iloilo!Happy 89th Charter Day, Iloilo City! 💙
25/08/2026

i❤️Iloilo!

Happy 89th Charter Day, Iloilo City! 💙

Another milestone in our journey toward quality Early Childhood Care and Development! 🧒📚💚Congratulations to Ma’am Joseph...
24/08/2026

Another milestone in our journey toward quality Early Childhood Care and Development! 🧒📚💚

Congratulations to Ma’am Josephine Escopel, Child Development Worker, and Ma’am Filipinas Yee, Teacher Aide, for successfully completing the ECCD External Assessment at Calumpang III Child Development Center III. 🎉👏

Our heartfelt appreciation to Ma’am Glenda Villacrusis, Evaluator, for her guidance and valuable insights. ✨

Dedicated hearts. Strong teamwork. Quality ECCD. Brighter futures! 🌱

Padayon, Calumpang, Molo, Iloilo City Child Development Center III, in giving our little learners the care, love, and learning they deserve! 😇☺️💚



𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗖𝗬📌Barangays are required to post the distribution of assistance to their Bagong Pilipinas Barangay Sc...
23/08/2026

𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗖𝗬📌

Barangays are required to post the distribution of assistance to their Bagong Pilipinas Barangay Scholars on their official pages.

This is part of the official guidelines for the Bawat Barangay Makikinabang Program under DILG Memorandum Circular No. 2026-038.

For monitoring, the guidelines specifically require the Facebook post link showing that the assistance was distributed to the identified scholars.

Barangays are also directed to post official or authorized photo documentation and scholar testimonials using the program hashtags and .

Each barangay has ₱100,000 allotted for five scholars, with each beneficiary receiving ₱20,000 to help cover tuition, school supplies, transportation, meals, and other education-related expenses needed to complete their studies.

The program is currently being rolled out nationwide. For the complete scholarship details and guidelines, you may read our guide at: scholarship.com.ph/bagong-pilipinas-barangay-presidential-scholars-program

The Facebook post does not replace the program's formal records. Scholars are still required to sign an acknowledgement receipt confirming that they received the ₱20,000 assistance.

In this way, the distribution is not only documented through official records but is also made publicly visible through the barangay's page.

May naipost na rin bang scholarship update ang barangay ninyo?

Congratulations to Ma’am Rona Galvan, Child Development Worker, and Ma’am Elsa Alomia, Teacher Aide, for successfully un...
22/08/2026

Congratulations to Ma’am Rona Galvan, Child Development Worker, and Ma’am Elsa Alomia, Teacher Aide, for successfully undergoing the ECCD External Assessment at Calumpang Child Development Center I. 🎉👏

Our sincere appreciation to Ma’am Glenda Villacrusis, Evaluator, for her guidance and commitment in strengthening the quality of ECCD services. 💚

Through dedication, teamwork, and genuine care, we continue to build strong foundations for our children and brighter futures for our community. 🌱🧒✨

Kudos, Calumpang CDC I! Padayon sa serbisyo para sa kabataan! 💚👏



ANG PROSESO NG POSTPONEMENT NG BSKE 2026Bakit Mahihirapan Nang Maipostpone ang November 2, 2026 BSKE?Sa aking pananaw, h...
22/08/2026

ANG PROSESO NG POSTPONEMENT NG BSKE 2026

Bakit Mahihirapan Nang Maipostpone ang November 2, 2026 BSKE?

Sa aking pananaw, hindi imposibleng maipostpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2, 2026, ngunit habang papalapit ang election date, lalong umiikli ang panahon para sa isang bagong batas na legal, constitutional at administratively implementable.

Mahalagang tandaan: hangga't walang bagong batas na valid na nagbabago sa election date na itinakda ng RA 12232, ang umiiral na batas ang dapat sundin.

Sa kasalukuyan, ang Republic Act No. 12232, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong August 13, 2025, ang nagtatakda na ang susunod na regular BSKE ay gaganapin sa first Monday of November 2026, na tumapat sa November 2, 2026. Itinatakda rin nito ang apat na taong termino ng barangay officials at iba pang kaugnay na transitory provisions.

1. KAILANGAN MUNA NG BAGONG BATAS

Kung nais talagang ilipat ang November 2, 2026 BSKE, hindi sapat ang simpleng pahayag, resolution, administrative order o political agreement.

Dahil ang petsa ng halalan ay itinakda mismo ng batas, kinakailangan ng panibagong batas o isang legal na mekanismo na may sapat na constitutional authority upang baguhin ito.

Makikita na mismo sa kasalukuyang legislative process na may mga panukalang postponement na inihain sa House of Representatives. Halimbawa, may House Bill No. 8886 na nagmumungkahing ilipat ang November 2, 2026 BSKE sa May 3, 2027. Ngunit ayon sa House committee records, ang panukala ay nananatiling pending sa Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Ibig sabihin, ang paghahain ng bill ay hindi pa katumbas ng batas.

2. DARAAN ITO SA LEGISLATIVE PROCESS

Sa ilalim ng Article VI, Section 26(2) ng 1987 Constitution, ang isang bill ay kailangang dumaan sa three readings on separate days sa bawat House, maliban kung may presidential certification sa necessity ng immediate enactment.

Kaya kung ang isang postponement bill ay magsisimula sa House, kailangan nitong dumaan sa legislative process ng House. Kapag nakapasa, kailangan pa itong isaalang-alang ng Senado.

Hindi sapat na sabihin na:

“May bill na, kaya postponed na.”

Mali iyon.

Ang bill ay panukala pa lamang hanggang sa maipasa ng Kongreso at maging batas alinsunod sa Constitution.

3. HOUSE AT SENATE: DAPAT MAGKATUGMA ANG MGA BERSYON

Kung may sariling version ang House at may sariling version ang Senate, kailangang magkaroon ng pagkakasundo sa final legislative text.

Kung magkaiba ang bersyon, maaaring gamitin ang Bicameral Conference Committee upang ayusin ang mga pagkakaiba.

Pagkatapos nito, ang napagkasunduang version ay kailangang pagtibayin ng dalawang Chamber alinsunod sa kanilang parliamentary rules bago maipadala sa Pangulo.

Kaya habang papalapit ang November 2, 2026, bawat araw ay mahalaga dahil hindi lamang simpleng pag-apruba ng isang resolution ang pinag-uusapan.

4. DADAAN PA SA PANGULO

Kapag nakapasa na ang Congress, ipapadala ang enrolled bill sa Pangulo.

Sa ilalim ng Article VI, Section 27 ng 1987 Constitution, maaaring:

1. pirmahan ng Pangulo ang bill;
2. hayaan itong maging batas sa pamamagitan ng constitutional mechanism kung hindi ito maaksyunan sa loob ng itinakdang panahon; o
3. i-veto ito.

Kaya kahit makalusot sa Kongreso ang postponement bill, hindi pa rin awtomatikong nangangahulugan na magiging batas ito.

May constitutional role pa rin ang Pangulo.

5. MAY POSIBILIDAD DIN NG JUDICIAL CHALLENGE

Kahit maging batas ang postponement, maaari pa rin itong kuwestiyunin sa Supreme Court kung may legal standing at may justiciable constitutional issue.

Subalit dito kailangang maging eksakto ang argumento.

Hindi automatic na “ipapatawag ng Supreme Court ang mga mambabatas” pagkatapos mapirmahan ang batas.

Ang Supreme Court ay kumikilos sa pamamagitan ng judicial proceedings kapag may properly filed case o constitutional challenge. Maaari nitong suriin kung ang batas ay naaayon sa Constitution.

6. MAHALAGA ANG MACALINTAL PRECEDENT

Napakahalaga rito ng Macalintal v. Commission on Elections, kung saan tinalakay ng Supreme Court ang constitutional limits sa postponement ng elections.

Sa naunang ruling na iyon, itinuring ng Korte na hindi maaaring basta-basta ipagpaliban ang halalan dahil lamang sa political convenience o dahil nais lamang pahabain ang termino ng mga incumbent officials.

Ngunit may malaking development pagkatapos nito.

7. ANG RA 12232 AY NA-CHALLENGE NA SA SUPREME COURT

Ito ang pinakamahalagang correction sa usaping ito.

Ang RA 12232 mismo ay kinuwestiyon sa Supreme Court sa consolidated petitions, kabilang ang kaso ni Atty. Romulo Macalintal.

Ang argumento ng mga petitioners ay, bukod sa iba pa, na ang paglipat ng halalan mula December 2025 patungong November 2026 ay isang postponement na dapat sumunod sa constitutional standards na inilatag sa Macalintal case.

Ngunit pinagtibay ng Supreme Court ang constitutionality ng RA 12232.

Ayon sa majority ruling, ang pangunahing katangian ng RA 12232 ay isang term-setting law—isang batas na nagtatakda ng bagong term structure ng barangay at SK officials. Ang paglipat ng election date ay itinuring na incidental sa pagtatakda ng bagong four-year term.

Dahil dito, ang argumentong:

“May nauna nang Supreme Court decision na awtomatikong papatay sa anumang bagong postponement”

ay hindi rin sapat.

Ang bawat bagong batas ay maaari pa ring ma-challenge, ngunit ang magiging tanong ay kung ano ang laman ng bagong batas at kung constitutional ito, hindi lamang kung ito ay tinatawag na “postponement.”

8. MAY DISSENT, AT MAHALAGA RIN ITO SA LEGAL ARGUMENT

Bagama't pinagtibay ng majority ng Supreme Court ang RA 12232, may mga Justices na nag-disagree.

Sa dissenting opinions, ipinunto na ang effect ng RA 12232 ay postponement pa rin ng people's exercise of suffrage at extension ng incumbents' hold-over period.

Ito ay mahalagang legal argument para sa mga tututol sa panibagong postponement.

Ngunit kailangang malinaw:

Dissenting opinion ay hindi controlling law.

Ang controlling ruling ay ang decision ng majority.

9. KUNG MAY BAGONG POSTPONEMENT BILL, PANIBAGONG LEGAL QUESTION ITO

Kung may bagong batas na muling magpapaliban sa November 2, 2026 BSKE, hindi automatic na magiging unconstitutional ito.

Ngunit maaari itong kuwestiyunin batay sa:

- right of suffrage;
- equal protection;
- due process;
- separation of powers;
- constitutional authority of Congress;
- arbitrary extension ng incumbents;
- at iba pang constitutional limitations.

Ang mahalagang tanong ay:

Ano ang dahilan ng postponement?

May legitimate at sufficiently important governmental objective ba?

Talaga bang kailangan ang postponement?

Narrowly tailored ba ang postponement sa layunin nito?

Hindi ba ginagamit ang postponement para lamang palawigin ang pananatili ng mga incumbent officials?

Dito maaaring maging mahalaga muli ang mga prinsipyo mula sa Macalintal jurisprudence, depende sa magiging anyo at legal basis ng bagong batas.

10. BAKIT LALONG HUMIHIGPIT ANG ORAS

Habang papalapit ang November 2, 2026, hindi lamang Congress ang kailangang kumilos.

Ang COMELEC ay kailangang maghanda para sa election administration—kabilang ang election calendar, procurement, ballots, logistics, election personnel, voting technology, voter education at iba pang operational requirements.

Kaya kahit theoretically maaaring magpasa ng batas ang Congress bago ang election date, ang practical question ay kung sapat pa ang panahon para maipatupad nang maayos ang bagong election schedule.

Ang isang bagong election date ay hindi lamang petsa na ilalagay sa batas.

Kailangan itong maisalin sa isang buong operational election plan.

11. ANG BATAS NA UMIIRAL NGAYON AY RA 12232

Ito ang pinakamahalagang punto.

Ang RA 12232 ay umiiral na batas.

Itinatakda nito ang susunod na regular BSKE sa first Monday of November 2026, na November 2, 2026.

Kaya ang legal position ay:

Hangga't walang bagong valid law na nagbabago sa election date, ang November 2, 2026 ang dapat ituring na election date.

Hindi maaaring ituring na postponed ang halalan dahil lamang may pending bill.

12. ANG PINAKAMALAKAS NA ARGUMENTO

Kaya ang mas maingat ngunit matapang na argumento ay ganito:

“Hindi ko sinasabing imposible ang postponement ng BSKE 2026. Ang sinasabi ko, habang papalapit ang November 2, 2026, lalong umiiksi ang panahon upang maisagawa ang buong constitutional at legislative process para magkaroon ng bagong valid law, at pagkatapos nito ay maipatupad pa ng COMELEC ang bagong election calendar.”

“Hangga't walang bagong batas na valid na nagbabago sa RA 12232, mananatiling November 2, 2026 ang itinakdang petsa ng BSKE.”

“Hindi sapat ang panukalang batas. Kailangan itong maging batas.”

“At kahit maging batas, hindi ibig sabihin na immune na ito sa constitutional challenge.”

KONKLUSYON

Ang tunay na laban tungkol sa BSKE 2026 ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang gusto o ayaw ng postponement.

Ito ay tungkol sa rule of law, right of suffrage, constitutional authority ng Congress, independence ng COMELEC, at karapatan ng mamamayan na magkaroon ng regular at predictable na halalan.

May kapangyarihan ang Congress na gumawa ng batas tungkol sa term at election schedule ng barangay officials. Sa katunayan, kinilala mismo ng Supreme Court na may constitutional authority ang Congress sa pagtatakda ng term of office ng barangay officials.

Ngunit ang kapangyarihang ito ay dapat gamitin sa loob ng Constitution.

Kaya hanggang walang bagong batas na valid na nagbabago sa schedule:

RA 12232 ang umiiral.

November 2, 2026 ang itinakdang BSKE.

At habang hindi pa nagiging batas ang anumang panibagong postponement measure, hindi dapat ipalagay ng publiko na postponed na ang halalan.

SA BATAS TAYO DAPAT NAKATINGIN—HINDI SA TSISMIS, HAKA-HAKA O POLITICAL ANNOUNCEMENT.

BSKE 2026: HANGGA'T WALANG BAGONG BATAS, NOVEMBER 2, 2026 ANG NAKATAKDANG HALALAN.

Sa aton pinalangga nga SENIOR CITIZENS kag PWDs nga gusto mag avail sang libre nga maintenance paagi sa MEDISEN+ Program...
22/08/2026

Sa aton pinalangga nga SENIOR CITIZENS kag PWDs nga gusto mag avail sang libre nga maintenance paagi sa MEDISEN+ Program ni Mayor Raisa Treñas:

KINAHANGLAN anay makapaREHISTRO sa pinakamalapit nga district ukon barangay health center, nga bukas Lunes asta Biyernes, 8:00 am - 5:00 pm. Ang registration kutob lamang AUG. 31, 2026.

DAL-ON lang ang inyo Iloilo City OSCA or PWD ID.

Tapos sang registration, ma announce lang kang inyo barangay health workers ukon officials kon ara na ang mga bulong.

Madamo gid nga salamat sa inyo paghangop kag kooperasyon.


Proteksyonan ang pamilya batok sa Leptospirosis gani aton hibaluon ang Prevention tips para hilway sa ini nga balatian. ...
18/08/2026

Proteksyonan ang pamilya batok sa Leptospirosis gani aton hibaluon ang Prevention tips para hilway sa ini nga balatian.

Kun may yara kamo sang concerns indi gid magduha-duha nga magpalapit sa aton nga district health centers.



💍 MASS WEDDING 2026! 💍❤️ Para sa mga nagmamahalan, panahon na para gawing legal ang inyong pagsasama! ❤️📣 MGA MAG-ASAWA ...
13/08/2026

💍 MASS WEDDING 2026! 💍
❤️ Para sa mga nagmamahalan, panahon na para gawing legal ang inyong pagsasama! ❤️

📣 MGA MAG-ASAWA NGA WALA PA NAGPAKASAL, PA-LISTA NA!

Kung luyag ninyo mag-upod sa aton Mass Wedding, magpalista na kamo sa Barangay Hall kag pangitaon ang aton Barangay Secretary. 📝

📅 Target Date: December, 2026
📍 Registration: Barangay Hall, Barangay Calumpang

✨Magpasakal na pra mangin legal ang inyo pag updanay
From “live-in” to “officially married”!

👉 PA-LISTA NA KAMO!
Limited slots may apply. More details will be announced.





🧐 𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐨𝐢𝐥𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐏𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧?📊𝗗𝗲𝗲𝗽 𝗔𝗻𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀: 𝗧𝗼𝗽 𝟰𝟬 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀𝖨𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈 𝖢𝗂𝗍𝗒 𝗁𝖺𝗌 ...
12/08/2026

🧐 𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐨𝐢𝐥𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐏𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧?

📊𝗗𝗲𝗲𝗽 𝗔𝗻𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀: 𝗧𝗼𝗽 𝟰𝟬 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀

𝖨𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈 𝖢𝗂𝗍𝗒 𝗁𝖺𝗌 𝟭𝟴𝟬 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀, 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗍𝗁𝖾 𝖳𝗈𝗉 𝟦𝟢 𝗆𝗈𝗌𝗍 𝗉𝗈𝗉𝗎𝗅𝗈𝗎𝗌 𝖺𝖼𝖼𝗈𝗎𝗇𝗍𝗂𝗇𝗀 𝖿𝗈𝗋 𝟮𝟲𝟯,𝟬𝟰𝟰 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀, 𝗼𝗿 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝟱𝟱.𝟯% 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗶𝘁𝘆’𝘀 𝟰𝟳𝟱,𝟲𝟯𝟴 𝗽𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟰.

👑 𝖢𝖺𝗅𝗎𝗆𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗅𝖾𝖺𝖽𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝟣𝟧,𝟧𝟨𝟪 𝗋𝖾𝗌𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝗌, 𝖿𝗈𝗅𝗅𝗈𝗐𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝖲𝖺𝗇 𝖨𝗌𝗂𝖽𝗋𝗈 (𝖩𝖺𝗋𝗈) 𝖺𝗍 𝟣𝟤,𝟨𝟢𝟥 𝖺𝗇𝖽 𝖲𝖺𝗇 𝖩𝗎𝖺𝗇 𝖺𝗍 𝟣𝟣,𝟢𝟫𝟣.

📈 𝖥𝗋𝗈𝗆 𝟤𝟢𝟣𝟧 𝗍𝗈 𝟤𝟢𝟤𝟦, 𝖨𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈 𝖢𝗂𝗍𝗒 𝗀𝖺𝗂𝗇𝖾𝖽 𝟦𝟥,𝟨𝟢𝟥 𝗋𝖾𝗌𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝗌 (+𝟣𝟢.𝟣%), 𝖺𝗅𝗍𝗁𝗈𝗎𝗀𝗁 𝗀𝗋𝗈𝗐𝗍𝗁 𝗏𝖺𝗋𝗂𝖾𝗌 𝗌𝗂𝗀𝗇𝗂𝖿𝗂𝖼𝖺𝗇𝗍𝗅𝗒 𝖺𝗆𝗈𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗋𝖺𝗇𝗀𝖺𝗒𝗌. 𝖠𝗋𝖾𝖺𝗌 𝗌𝗎𝖼𝗁 𝖺𝗌 𝖫𝖺𝗇𝗂𝗍, 𝖳𝖺𝖻𝗎𝖼 𝖲𝗎𝖻𝖺 (𝖩𝖺𝗋𝗈), 𝖺𝗇𝖽 𝖧𝗂𝖻𝖺𝗈-𝖺𝗇 𝖲𝗎𝗋 𝗋𝖾𝖼𝗈𝗋𝖽𝖾𝖽 𝗇𝗈𝗍𝖺𝖻𝗅𝖾 𝗂𝗇𝖼𝗋𝖾𝖺𝗌𝖾𝗌, 𝗐𝗁𝗂𝗅𝖾 𝖲𝗈-𝗈𝖼 𝖺𝗇𝖽 𝖲𝖺𝗇 𝖩𝗎𝖺𝗇 𝖾𝗑𝗉𝖾𝗋𝗂𝖾𝗇𝖼𝖾𝖽 𝖽𝖾𝖼𝗅𝗂𝗇𝖾𝗌.

𝖮𝗏𝖾𝗋𝖺𝗅𝗅, 𝗍𝗁𝖾 𝖿𝗂𝗀𝗎𝗋𝖾𝗌 𝗌𝗁𝗈𝗐 𝗌𝗍𝗋𝗈𝗇𝗀 𝗉𝗈𝗉𝗎𝗅𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝖼𝗈𝗇𝖼𝖾𝗇𝗍𝗋𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝖺𝗇𝖽 𝖼𝗈𝗇𝗍𝗂𝗇𝗎𝗂𝗇𝗀 𝗎𝗋𝖻𝖺𝗇 𝗍𝗋𝖺𝗇𝗌𝖿𝗈𝗋𝗆𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝖺𝖼𝗋𝗈𝗌𝗌 𝖨𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈 𝖢𝗂𝗍𝗒. 🏙️

⁉️ 𝖭𝗀𝖺𝖺 𝖺𝗒𝗁𝖺𝗇 𝗄𝖺𝖽𝖺𝗆𝗈 𝗌𝖺𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝖺𝗐𝗈 𝗌𝖺 𝖽𝗂𝗋𝗂 𝗇𝗀𝖺 𝗆𝗀𝖺 𝖻𝖺𝗋𝖺𝗇𝗀𝖺𝗒? 𝖠𝗇𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗆𝖺𝗒𝗈𝗋 𝗇𝗀𝖺 𝗋𝖺𝗌𝗈𝗇? 𝖪𝖺𝗅𝖺𝖻-𝗈𝗍 𝖺𝗒𝗁𝖺𝗇 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗌𝖺 𝗍𝖺𝗇𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗌𝖾𝗋𝖻𝗂𝗌𝗒𝗈 𝗌𝖺𝗇𝗀 𝖫𝖦𝖴?

𝖲𝗈𝗎𝗋𝖼𝖾: 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾 𝖲𝗍𝖺𝗍𝗂𝗌𝗍𝗂𝖼𝗌 𝖠𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋𝗂𝗍𝗒 (𝖯𝖲𝖠)

#𝗂𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈𝖼𝗂𝗍𝗒
#𝖻𝖺𝗋𝖺𝗇𝗀𝖺𝗒𝗂𝗇𝗂𝗅𝗈𝗂𝗅𝗈𝖼𝗂𝗍𝗒

07/08/2026

May pamangkot ka parte sa MediSen+ Program?

Hibaluon kung paano makarehistro ang senior citizens kag PWDs, ano ang mga kinahanglanon, kag paano maka-avail sang libre nga maintenance medicines sang Iloilo City Government.


Address

Calumpang, Molo
Iloilo City
5000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Calumpang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Calumpang:

Shortcuts

Share