05/08/2026
๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ-๐๐๐ฏ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐, ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
ILOILO โ Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang Top 8 Regional-Level Most Wanted Person ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa Barangay Tolarucan, Mina, Iloilo, bandang 11:00 ng umaga noong Agosto 4, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas na โSan-San,โ 27 taong gulang, binata, at residente ng Barangay Abangay, Janiuay, Iloilo.
Sumuko ang akusado sa tulong ng mga operatiba ng 602nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6), katuwang ang Mina Municipal Police Station (MPS) at Regional Intelligence Unit 6 (RIU6).
Matapos ang kanyang pagsuko, isinilbi laban sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong r**e by carnal knowledge. Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 68, Sixth Judicial Region, Dumangas, Iloilo, noong Hulyo 24, 2026. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pinuri ni PRO6 Acting Regional Director Police Brigadier General Randulf T. Tuaรฑo ang maayos na koordinasyon ng mga yunit na nagbunga ng boluntaryong pagsuko ng akusado.
โAng boluntaryong pagsuko ng isang wanted person ay nagpapakita ng pagkilala sa umiiral na proseso ng batas. Hinihikayat natin ang iba pang may kinahaharap na kaso na kusang humarap sa hustisya. Kasabay nito, mananatiling masigasig ang ating mga operatiba sa pagtunton sa mga patuloy na umiiwas sa batas,โ ani PBGen Tuaรฑo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mina MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa hukuman na nagpalabas ng warrant.
Patuloy na pinalalakas ng PRO6 ang kampanya laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng layunin nitong isulong ang RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING tungo sa mas ligtas at mas mapayapang Western Visayas.
Ang tagumpay na ito ay kaakibat din ng bisyon ng Philippine National Police na "BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN," sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr, Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐