14/08/2026
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟳 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗮 𝗖𝗮𝗿𝘁𝗮 𝗼𝗳 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻! 💜
Ngayong araw, Agosto 14, ating ginugunita ang paglagda sa makasaysayang Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women. Ang batas na ito ang komprehensibong batas sa ating bansa na kumikilala, nagtatanggol, at nagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan.
Ito rin ang lokal na pagsasabatas ng mga probisyon ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women (CEDAW), partikular sa pagbibigay-kahulugan sa gender discrimination, state obligations, substantive equality, at temporary special measures.
Maging ang paggamit ng salitang “of” sa pangalan nito ay kinikilala ang women's participation and ownership of the bill.
Labing-pitong taon ng pagsusulong ng karapatang pantao ng bawat kababaihang Pilipino. Sama-sama tayo para sa mas maunlad, mas ligtas, mas malaya, at mas inklusibong Pilipinas. 💜