Imus City Civil Registrar's Office

Imus City Civil Registrar's Office The official page of the
Office of the City Civil Registrar, City of Imus, Cavite

Atty. Tricia Marie B.

Villaluz-Barzaga
City Civil Registrar


09/06/2026

Magandang araw mga Imuseño!

Para po sa mga nag-apply sa Birth Registration Assistance Project (BRAP) na isinagawa sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Imus mula taong 2022 hanggang 2024, maaari pa rin po ninyong ipagpatuloy ang inyong aplikasyon.

MAHALAGANG PAALALA
Magkakaroon po ng 1-month grace period upang makumpleto ang mga kinakailangang requirements.

Ito ay para sa mga PENDING:
📌Hindi na po makontak na kliyente; at
📌Hindi agad nakapagsumite ng kulang na dokumento.

Maglalabas lamang po ng nakatakdang schedule kada barangay para sa pagpunta sa opisina at pag-aasikaso ng mga aplikasyon.

UPDATED (2026)Magandang araw mga Imuseño!Narito po ang mga kinakailangang dokumento para sa regular late registration ng...
19/03/2026

UPDATED (2026)

Magandang araw mga Imuseño!

Narito po ang mga kinakailangang dokumento para sa regular late registration ng birth certificate sa Lungsod ng Imus.

Nais naming ipabatid na ang proseso ng regular late registration ng birth certificate ay may kaakibat na mga bayarin.

Bukod pa rito, kinakailangan din ang notaryo para sa ilang mga dokumento tulad ng Affidavit of Two Disinterested Persons at iba pa kung kinakailangan. Ang bayad sa notaryo ay hiwalay at maaaring mag-iba depende sa notary public.​

Mahalagang tiyakin na ang lahat ng dokumento ay kumpleto at maayos upang mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro. Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan.​

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.

UPDATED (2026)Magandang araw mga Imuseño!Sa mga nais pong magpakasal at sa mga nagtatanong kung ano po ang mga dapat na ...
19/03/2026

UPDATED (2026)

Magandang araw mga Imuseño!

Sa mga nais pong magpakasal at sa mga nagtatanong kung ano po ang mga dapat na ihandang requirements, narito po ang mga kinakailangan upang makapag Apply ng Marriage License pati na rin po ang Article 34 of the Family Code.

MAHALAGANG PAALALA:

Mangyari po lamang na ipasa ng KUMPLETO ang mga nasabing dokumento sa opisina ng City Civil Registrar upang ito po ay agad na maproseso.

UPDATED (2026)Magandang araw mga Imuseño!Para po sa mga magulang na nais gawing lehitimo ang kanilang anak o ipaayos ang...
19/03/2026

UPDATED (2026)

Magandang araw mga Imuseño!

Para po sa mga magulang na nais gawing lehitimo ang kanilang anak o ipaayos ang apelyido nito gamit ang apelyido ng ama, narito po ang gabay para sa Legitimation at Acknowledgment sa ilalim ng RA 9255.

Ang Legitimation ay para sa mga batang ipinanganak bago ikasal ang mga magulang ngunit kalaunan ay nagpakasal, habang ang Acknowledgment naman ay para sa mga batang nais kilalanin ng ama at magamit ang kanyang apelyido.

MAHALAGANG PAALALA:

Siguraduhin po na KUMPLETO at WASTO ang mga dokumentong ipapasa sa opisina ng City Civil Registrar upang maiwasan ang abala at mapabilis ang proseso ng inyong aplikasyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong bumisita o makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Maraming salamat po!

UPDATED (2026)Magandang araw mga Imuseño!Para po sa mga may nais ipaayos o itama sa kanilang mga detalye sa civil regist...
19/03/2026

UPDATED (2026)

Magandang araw mga Imuseño!

Para po sa mga may nais ipaayos o itama sa kanilang mga detalye sa civil registry tulad ng maling spelling ng pangalan, maling petsa o lugar ng kapanganakan, o maging ang correction ng s*x entry, narito po ang gabay para sa Petition for Correction of Clerical Error sa ilalim ng RA 9048 at RA 10172.

Pinapayagan po ng mga batas na ito ang pagwawasto ng mga simpleng pagkakamali sa Birth, Marriage, at Death Certificates nang hindi na dumadaan sa korte.

MAHALAGANG PAALALA:

Mangyari po lamang na ihanda at ipasa ang KUMPLETO at TAMANG mga dokumento sa opisina ng City Civil Registrar upang maiwasan ang delay at agarang maproseso ang inyong aplikasyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong bumisita o makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Maraming salamat po!

Address

Upper Ground Floor, City Civil Registrar's Office, City Government Of Imus, Malagasang 1-G
Imus
4103

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imus City Civil Registrar's Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Imus City Civil Registrar's Office:

Shortcuts

Share

Category