28/05/2026
ANUNSYO PARA SA LAHAT NG HOMEOWNERS AT MGA RESIDENTE NG VILLA HERMOSA SUBDIVISION
Magandang araw po sa ating lahat.
Bilang bahagi ng aming patuloy na paglilingkod sa komunidad, nais po naming magbigay ng isang pormal na anunsyo bilang paghahanda taun-taon bago dumating ang tag-ulan.
Sa pamumuno ng inyong mga HOA Officers, katuwang ang mga karatig subdivision at mga HOA Presidents at Officers ng Windsor Mansion, Palm Grove, at Avignon, lalo na sa pakikipag-ugnayan sa ating mga opisyal ng barangay, kami po ay nagkaisa upang magsumite ng kahilingan sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) para sa pagsasagawa ng Creek Clean-up Drive.
Layunin po nito na maiwasan ang pag-apaw ng creek na maaaring maging sanhi ng pagbaha, at mabawasan ang mga panganib sa kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad sa pamamagitan ng paglilinis ng creek bago dumating ang malalakas na ulan at bagyo.
Ang aming request letter ay opisyal nang natanggap ng CENRO, at inaasahan po naming maisasagawa ang clean-up operation anumang oras ngayong buwan.
Kami pong inyong HOA Officers ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta, pagtitiwala, at pakikiisa sa mga programa ng samahan. Lubos po kaming nagagalak na makapaglingkod para sa ikabubuti, kaligtasan, at kaayusan ng buong komunidad ng Villa Hermosa Subdivision.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.
— VHHAI Officers