03/09/2026
𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐚𝐭 𝐢𝐤𝐚‑𝟏𝟖𝟕 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐆𝐞𝐧. 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐫𝐢𝐨 𝐓𝐨𝐩𝐚𝐜𝐢𝐨, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐋𝐆𝐔
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Binigyang‑pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Araw ng mga Bayani, kasabay ng ika‑187 taon ng kapanganakan ni Heneral Licerio Topacio, nitong Agosto 27, 2026, sa Liwasang Heneral Licerio C. Topacio, Brgy. Poblacion 2‑C, sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer, sa pamumuno ni Tourism and Heritage Officer-in-charge Jose Rafael "Paeng" Alarcon.
Sa naturang pagdiriwang, muling kinilala ang kabayanihan at ambag ni Heneral Topacio sa kasaysayan ng Imus at ng buong bansa.
Dumalo sa nasabing selebrasyon ang natitirang apo sa tuhod ni Heneral Licerio Topacio na si Lita Mangubat Pallera, na nagbahagi ng kaniyang mensahe at pag‑alala sa buhay ng kaniyang lolo. Kasabay nito, nagbigay rin ng mensahe sina City Vice Mayor Homer Saquilayan at City Local Government Operations Officer (CLGOO) Mary Roxanne T. Vicedo.
Nagbahagi rin ng mensahe si Albert Roderos, Punong‑guro ng Gen. Licerio Topacio National High School, na naglatag ng kahalagahan ng edukasyon at alaala ng kabayanihan.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlungsod, Department of the Interior and Local Government (DILG) Imus, Philippine Army, Veterans Federation of the Philippines, Boy Scouts of the Philippines, at DepEd Gen. Licerio C. Topacio National High School, bilang patunay ng patuloy na pagkakaisa sa pagpapahalaga sa kasaysayan.
Ang taunang pagdiriwang ay naglalayong ipaalala sa mga Imuseño ang sakripisyo ng mga bayani at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng diwa ng nasyonalismo.