Team CA. BARCO

Team CA. BARCO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team CA. BARCO, Political organisation, Anabu 1-F, Imus.

Ka-isa ninyo po kami sa pag gunita at pag ala-ala sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Ang kaaliwan at kapayapaan sa a...
01/11/2023

Ka-isa ninyo po kami sa pag gunita at pag ala-ala sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Ang kaaliwan at kapayapaan sa ating mga puso na galing sa ating Panginoon ay patuloy nating maranasan.


Day 1. October 21, 2023Day 2. October 28, 2023Maraming salamat po sa lahat ng sumama, sumuporta, at higit sa lahat nagpa...
28/10/2023

Day 1. October 21, 2023
Day 2. October 28, 2023

Maraming salamat po sa lahat ng sumama, sumuporta, at higit sa lahat nagpakita ng pagmamahal bilang isang supporter na handang mapagod makasama lang sa aming pag-ikot.

Nagpapasalamat din po ang Team Rocky Sarte at Team Amos Barco sa aming mga kabarangay anabu 1-F na nagpatuloy sa kani-kanilang bahay, nagpabatid ng suporta, at pinadama sa amin na kasama namin kayo sa laban na ito.

Muli po ating iboto TEAM SARTE at TEAM BARCO!

Team Sarte
Punong Barangay:
✔️Rocky Sarte

Kagawad:
✔️Felipe “Philip” Barco
✔️Romeo “Omy” Camet
✔️Henry Dimaano
✔️Peter Richard “Podeng” Lara
✔️Noli “Noni” Pakingan
✔️Manny Paredes
✔️Nenet Protacio

Team Barco
Sk Chairman:
✔️Barco, Cedric Amos “Amos” A.

Sk Kagawad:
✔️Jeremiah “Jem” Lara
✔️Geileen Sarte
✔️Chloe Jeanell “Chloe” Barco
✔️Nicole Heart “Heart” Magsombol
✔️Anlaji Jeyn “Anjali” Gonzales
✔️Beatrice Anne “Bea” Rodriguez

Sino nga ba si Cedric Amos A. Barco? Sino ang kanyang angkan at ano-ano ang kanyang plataporma upang maging gabay niya p...
26/10/2023

Sino nga ba si Cedric Amos A. Barco? Sino ang kanyang angkan at ano-ano ang kanyang plataporma upang maging gabay niya patungo sa katagumpayan ng kabataan ng anabu 1-F?

Ating sabay-sabay na alamin at siya ay kilalanin!!💙

Mapagpalang araw ng linggo po! Takot, pagkabalisa, kaba, at panghihina ng loob.Anuman po ang nararanasan natin sa araw n...
22/10/2023

Mapagpalang araw ng linggo po!

Takot, pagkabalisa, kaba, at panghihina ng loob.

Anuman po ang nararanasan natin sa araw na ito, ipinapa-alala ng ating Panginoong Diyos na huwag tayong mabalisa sa anumang bagay. Sa halip, tayo ay manalanging may pasasalamat sapagkat ang kalakasang galing sa kanya pati ang kanyang pag gabay sa atin ang siyang mararanasan natin upang mapag tagumpayan natin ang lahat ng pagsubok na ating dinadaanan at daraanan pa.

🍲  Feeding Program  🍞        Ang Team Amos Barco po kasama ang Team Rocky Sarte ay nagkaroon ng feeding program para sa ...
27/08/2023

🍲 Feeding Program 🍞

Ang Team Amos Barco po kasama ang Team Rocky Sarte ay nagkaroon ng feeding program para sa Anabu 1-F. Ngunit dahil po sa pabugso-bugsong ulan ay may mga batang hindi makalabas ng kanilang mga bahay, kaya tayo po ay personal na nag-abot ng pagkain sa kani-kanilang mga tahanan.

Asahan po ninyo na hindi pa po dito matatapos ang mga makabuluhang gawain ng buong Team. Kaya sa mga hindi po naka-abot at nabigyan ng libreng pagkain ay wag po kayong mawawalan ng pag-asa!

Gayunpaman, lubos pong nagpapasalamat ang Team Amos Barco at Team Rocky Sarte sa mga sumuporta at naki-kain sa aming isinagawang feeding program. Ang pagpapala po ng Panginoong Diyos ang maranasan ng bawat isa.





26/08/2023

🍲 Feeding Program 🍞

Magandang hapon po Anabu 1-F! Nais ko pong ibalita sa inyo na magkakaroon po ang Team Amos Barco kasama ang Team Rocky Sarte ng feeding program.

Inaanyayahan ko po ang lahat sa LINGGO, August 27, 2023 @ 3:00 ng hapon po Along Anabu 1-F road bago po mag Goldlane Subdivision.

Sama-sama po tayong makisaya, kumain, at magpaka-busog! Salamat po at ang pagpapala at kapayapaan ng ating Panginoon ang nawa’y maranasan nating lahat.





Clean-up Drive Activity       Ang Team Rocky Sarte kasama po ang Team Amos Barco ay nagsagawa ng clean-up drive kaninang...
26/08/2023

Clean-up Drive Activity

Ang Team Rocky Sarte kasama po ang Team Amos Barco ay nagsagawa ng clean-up drive kaninang umaga.

Isa po sa hangarin ng buong team na mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.





Day 2 Libreng Taho!           Nauna po naming ikutin ang mga lugar na hindi po naka-abot sa libreng taho kahapon. Ang Te...
25/08/2023

Day 2 Libreng Taho!

Nauna po naming ikutin ang mga lugar na hindi po naka-abot sa libreng taho kahapon. Ang Team Amos Barco kasama mag-ikot ang Team Rocky Sarte ay nakarating sa Goldlane, Ipot St. , tabing highway, konsi omy st. , shortcut, unida st. , juliard homes.

Asahan po ninyo na ito po ay panimula pa lamang ng panibagong yugto para sa ating minamahal na barangay.

Sa linggo naman po ay magkakaroon ang Team Amos Barco kasama ang Team Rocky Sarte ng feeding program. Abangan po natin ang updates na ipopost po maya-maya lamang.

Ang Team Amos Barco kasama ang Team Rocky Sarte ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming Libreng taho.





Day 1 LIBRENG TAHO      Handog ng Team Amos Barco kasama po ang Team Rocky Sarte sa masaya at matagumpay na ating pag-ik...
24/08/2023

Day 1 LIBRENG TAHO

Handog ng Team Amos Barco kasama po ang Team Rocky Sarte sa masaya at matagumpay na ating pag-ikot sa kalyeho at goldlane.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa street po ng goldlane at sa ipot st. na hindi nadaanan sa kadahilanan na naubos po ang taho para sa araw na ito.

Gayunpaman, sisiguraduhin po namin na bukas BIYERNES, August 25, 2023 ang mga hindi po naka-abot sa Libreng taho ay amin pong uunahin bukas!

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa umaapaw ninyong suporta. Magkita-kita po tayo muli bukas Day 2 BIYERNES, August 25, 2023.





𝑻𝑨𝑹𝑨 𝑮! 𝑻𝑨𝑯𝑶 𝑻𝑨𝒀𝑶! 💙Mapagpalang Hapon po Anabu 1-F! Narito po ang updates para sa Libreng Taho hatid sa inyo ng Team Amo...
23/08/2023

𝑻𝑨𝑹𝑨 𝑮! 𝑻𝑨𝑯𝑶 𝑻𝑨𝒀𝑶! 💙

Mapagpalang Hapon po Anabu 1-F! Narito po ang updates para sa Libreng Taho hatid sa inyo ng Team Amos Barco! Magkakaroon po tayo ng 2 araw upang ating maikot ang buong barangay ng Anabu 1-F at atin pong sisiguraduhin na mabigyan po natin lahat ng Libreng Taho.

Para po sa Day 1 (color blue) ito po ay gaganapin sa HUWEBES, August 24, 2023 @ 8:00 ng umaga. Uunahin po nating ikutin ang kalyehon, goldlane, at ipot street.

Para po sa Day 2 (color green) ito po ay gaganapin sa BIYERNES, August 25, 2023 @ 8:00 ng umaga. Una po nating iikutin ang labasan(konsi omy st.), shortcut, Unida St. bago po ang Juliard Homes.

Yun lamang po para sa updates natin ngayong araw! Muli po ang pagpapala at kapayapaan ng Panginoon ang sumaatin lahat.





22/08/2023

𝑻𝑨𝑹𝑨 𝑮! 𝑻𝑨𝑯𝑶 𝑻𝑨𝒀𝑶! 💙

Magandang gabi po Anabu 1-F! Atin pong abangan sa darating na HUWEBES, August 24,2023 at BIYERNES, August 25, 2023. Ang 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐡𝐨 po na hatid sa inyo ng Team Amos Barco, magsisimula pong mag-ikot ang Team Amos Barco kasama ang Team Rocky Sarte ng 8:00 ng umaga.

Mag-intay lamang po sa mga susunod pang detalye. Muli po mapagpalang gabi po sa ating lahat.





Ang lahat maging ang ating gagawin at nanaisin para sa ating buhay ay nagsisimula sa Diyos at nanggagaling sa Diyos. Ngu...
21/08/2023

Ang lahat maging ang ating gagawin at nanaisin para sa ating buhay ay nagsisimula sa Diyos at nanggagaling sa Diyos. Ngunit nasa sa atin kung ating susundin at pakikinggan ang Panginoon o babaliwalain natin sya. May plano at layunin ang Diyos sa iyong buhay at ikaw ay bahagi ng plano ng Diyos.

Mapagpalang hapon po sa ating lahat! 🙏🏻

Address

Anabu 1-F
Imus
4103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team CA. BARCO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Team CA. BARCO:

Share