27/06/2026
Ngayong paparating na ika-21 ng Hulyo 2026, pormal na ipagdiriwang ang ika-43 ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐๐งโ๐ฌ ๐๐จ๐จ๐ค ๐๐๐ฒ (๐๐๐๐) sa Museo Pambata, Roxas Boulevard, Maynila.
Iniimbitahan ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY), kasama ang Cultural Center of the Philippines (CCP), National Library of the Philippines (NLP), at Museo Pambata, ang lahat na pagnilayan ang temang ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป. Hinihikayat ng temang ito ang paglinang ng kapayapaan at kahinahunan sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagbabasa.
Bagaman limitado lamang sa mga naimbitahan ang seremonya, hinihikayat namin ang mga paaralan, aklatan, at komunidad sa buong bansa na magsagawa ng kani-kanilang pagdiriwang ng NCBD. Iminumungkahi namin ang pagdaraos ng mga aktibidad tulad ng ๐ง๐๐๐-๐๐ก๐ค๐ช๐, ๐๐ค๐ค๐ ๐๐๐๐ง, ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ๐ฉ๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ, o ๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ upang mabigyang-buhay ang mga kuwentong pambata.
Sama-sama nating buklatin ang mga pahina tungo sa kapayapaan!
Tampok sa poster ng NCBD ngayong taon ang likhang-luad ni Al Estrella, isang ilustrador at 2025 PBBY-De Jesus Wordless Book Prize Honorable Mention awardee. Makikita rito ang isang batang nagpapahinga habang yakap-yakap ang isang libro: paalala ng kakayahan ng pagbabasa na maghatid ng kaginhawahan at magsilbing kanlungan para sa bawat batang Filipino.