31/03/2026
๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐, ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ ๐, ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ซ๐ก๐ข๐ฒ๐
Sa bisa ng Executive Order No. 020, series of 2026, na nilagdaan ni City Mayor Alex โAAโ L. Advincula nitong Marso 30, 2026, kung saan ipatutupad ang pag-antala ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Abril 1, 2026.
Ang kautusan ay bahagi ng paggunita sa Semana Santa at hakbang upang higit pang maisulong ang energy conservation sa mga opisina ng lokal na pamahalaan.
Patuloy naman ang operasyon ng mga tanggapang may kinalaman sa kalusugan, disaster response, at iba pang pangunahing serbisyo na kinakailangang magpatuloy para sa kapakanan ng publiko.