Sangguniang Kabataan - Anabu 1B

Sangguniang Kabataan - Anabu 1B Maghahatid ng para sa pag-unlad ng mamamayan ng Anabu I-B at Lungsod ng Imus.

❕❕❕
24/08/2026

❕❕❕

𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟓-𝟐𝟕

Hatid ng Office of the City Veterinarian ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang a*o at pusa sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Narito ang iskedyul ng gaganaping pagbabakuna mula Agosto 25 hanggang Agosto 27, 2026:

🗓 Agosto 25, 2026
➤ Anabu 1-A
🕛 9:00 AM - 12:00 NN
📍Barangay Hall
📍Good Family Subdivision

➤ Anabu 1-B
🕛 1:00 PM - 4:00 PM
📍The Grand Parkplace
📍Hausland

🗓 Agosto 26, 2026
➤ Anabu 1-B
🕛 9:00 AM - 12:00 NN
📍Barangay Hall

➤ Anabu 1-C
📍Barangay Hall

➤ Anabu 1-C
🕛 1:00 PM - 4:00 PM
📍Parkplace
📍Barangay Hall

🗓 Agosto 27, 2026
➤ Anabu 1-E
🕛 9:00 AM - 12:00 NN
📍Barangay Hall

➤ Anabu 1-F
📍Barangay Hall

Para naman sa ongoing Pet Registration, narito po ang link para sa Pawnec App:
https://pawnec.com/register?city=Imus%20City

Ang kalusugan ng inyong mga alagang hayop ay mahalaga. Pabakunahan sila, Imuseño!

🎉🎊 𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏, 𝑺𝑲 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆𝒓 𝑮𝒘𝒚𝒏𝒆𝒕𝒉! 🎉🎊Lubos na bumabati at nagpapasalamat ang buong 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐧...
18/08/2026

🎉🎊 𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏, 𝑺𝑲 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆𝒓 𝑮𝒘𝒚𝒏𝒆𝒕𝒉! 🎉🎊

Lubos na bumabati at nagpapasalamat ang buong 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐚𝐛𝐮 𝐈-𝐁 sa ating maaasahan at dedikadong 𝐒𝐊 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫, 𝗚𝘄𝘆𝗻𝗲𝘁𝗵! 🥳🎉

Maraming salamat sa iyong sipag at tiyaga sa pag-aasika*o ng ating mga papeles, liquidation, financial reports, at iba pang mahahalagang dokumento. Malaki ang ginagampanan mong responsibilidad bilang SK Treasurer sa maayos at transparent na pagpapatakbo ng ating konseho. Sa likod ng bawat dokumentong kailangang asikasuhin ay ang iyong oras at effort, kahit kasabay pa nito ang iyong pag-aaral sa kolehiyo. Tunay na mahalaga ang iyong papel upang matiyak na maayos, accountable, at responsable ang paggamit ng pondo para sa ating mga kabataan -- at patuloy mo itong ipinapakita nang buong husay.

Nawa’y patuloy kang maging huwaran ng pagiging responsable at tapat sa paglilingkod.

𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐒𝐊 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫 𝐆𝐰𝐲𝐧𝐞𝐭𝐡! 🎊

18/08/2026

🐶🐱 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION PARA SA ATING MGA ALAGA! 🐾💉

📅 AUGUST 25 | 1:00 PM – 4:00 PM
📍 The Grand Parkplace Village & Hausland Subdivision

📅 AUGUST 26 | 9:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay Hall

MGA PAALALA SA MGA OWNER NA MAGPAPABAKUNA NG KANILANG MGA ALAGA ‼️

• Magdala po ng cellphone para sa online registration. Online na po ang pagpaparehistro ng inyong mga alaga. Maaari po kayong mag-pre-register sa www.pawnec.com.

• Kung nakapag-register na po kayo sa bahay, dalhin ang cellphone na ginamit sa pag-register at i-log in ang inyong account. Pagkatapos bakunahan ang inyong alaga, kailangan pong i-scan ang QR code para sa verification ng vaccination.

• Kung hindi madadala ang cellphone na ginamit sa registration, siguraduhing alam ninyo ang mobile number o email at password na ginamit upang ma-access ang inyong account sa mismong site.

10/08/2026

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 — 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗨𝗦

Upang makapaglaan ng mas mahabang oras para magpahinga at makabangon mula sa epekto ng patuloy na pag-ulan, suspendido pa rin po ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus bukas, August 11, 2026 (Martes).

Kasalukuyan din pong nasa ilalim ng State of Calamity ang Lalawigan ng Cavite dahil sa epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Kaya hinihikayat ko po ang lahat na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan at patuloy na maging maingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

*ok

06/08/2026

𝗟𝗢𝗢𝗢𝗢𝗢𝗡𝗡𝗚𝗚 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗘𝗡𝗗𝗗𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗠𝗨𝗦𝗘𝗡̃𝗢! ☔️

Long Weekend tayo ngayong linggo dahil suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus, bukas, August 07, 2026 (Biyernes), dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at bagyong .

Inaasahan din ang lahat ng paaralan na agad magpatupad ng Modular Distance Learning (MDL) o anumang blended learning modalities upang matiyak ang pagkatuto ang ating mga mag-aaral.

Hinihikayat ko rin po ang lahat na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan kung wala naman importanteng lakad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Stay dry and safe, Imuseño! ☔️

*ok

05/08/2026

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 🌧️

Dahil sa biglaang paglala ng lagay ng panahon, ipinapatupad ang half-day suspension of classes ngayong araw, Agosto 5, 2026, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus.

Humihingi po kami ng paumanhin sa pagkaantala ng anunsyo. Ang desisyon ay ginawa matapos ang agarang pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyon, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at school personnel.

Pinapayuhan ang lahat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan para sa maayos at ligtas na dismissal ng mga mag-aaral.

Medyo late ang announcement, pero hindi dapat ma-late ang pag-iingat. Ingat sa pag-uwi, mga Imuseño. ☔

*ok

05/08/2026
21/07/2026

𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝑵𝑨𝑩𝑼 𝑷𝑹𝑰𝑴𝑬𝑹𝑶 𝐀𝐁𝐎𝐆𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐔𝐒𝐄𝐍̃𝐎 - 𝑳𝑰𝑩𝑹𝑬𝑵𝑮 𝑵𝑶𝑻𝑨𝑹𝒀𝑶 𝒂𝒕 𝑳𝑬𝑮𝑨𝑳 𝑪𝑶𝑵𝑺𝑼𝑳𝑻𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ✅

Ngayong darating na 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲) 𝟖:𝟎𝟎𝐚𝐦 ay magkita-kita po tayo sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝐀𝐧𝐚𝐛𝐮 𝟏-𝐂 para ihatid ang libreng legal na mga serbisyo sainyong Barangay.💙💚

Address

Imus

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Anabu 1B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share