14/05/2025
Mga minamahal kong Imuseรฑo,
Mula sa araw ng paghahain ng kandidatura hanggang sa huling araw ng kampanya, bawat kamay na aking nakamayan, bawat tahanang aming nabisita, at bawat kwentong inyong ibinahagiโlahat ito ay baon ko bilang yaman ng karanasan at inspirasyon. Hindi naging madali ang daan, pero araw-araw, pinalakas kami ng inyong suporta, ng inyong tiwala, at ng inyong mga salita.
Maraming salamat sa bumubuo ng Team Imus campaign team, mga lider, volunteer, campaigner, at ordinaryong mamamayanโmula sa mga tumindig sa harap, hanggang sa mga tahimik na nagdasal at sumuporta. Hindi namin mararating ang ganito kalayo kung wala ang inyong sipag, sakripisyo, at paninindigan. Sa bawat pawis, hakbang, at oras na ibinahagi ninyoโtagumpay tayo. At para sa mga hindi pumili sa aminโsalamat pa rin. Kayo ang paalala na sa demokrasya, lahat ng tinig ay may puwang.
Ang halalan ay hindi lang tungkol sa panalo o pagkatalo. Ito ay tungkol sa paninindiganโat sa laban na ito, buong tapang tayong nanindigan para sa serbisyong may puso, para sa malasakit, at para sa kinabukasan ng Imus. Taas-noo tayong lahat dahil ipinaglaban natin ng patas hindi lang isang kandidato, kundi ang prinsipyo ng serbisyong may puso.
Sa gitna ng lahat, isang patunay ng tiwala ang tagumpay ni Konsehala Jelyn Maliksiโna muling pinili ng mga Imuseรฑo upang maglingkod. Siya ngayon ang tinig ng Team Imus at mamamayan sa Konsehoโat patuloy siyang magiging tulay ng malasakit at serbisyo sa inyong lahat.
Tulad ng ipinangako ko, ang paglilingkod ay hindi natatapos sa posisyon. Patuloy akong magsusulong ng kabutihan, sa anumang paraan, sa kahit anong pagkakataon. Hindi man ako ang inyong napiling kinatawan sa Kongreso, nananatili akong inyong kaagapayโbilang isang kapwa Imuseรฑo, na tapat sa bayan at may pusong naglilingkod.
Ito ay hindi pagtatapos, kundi panibagong simula ng mas matatag na paglalakbay tungo sa patuloy na serbisyo, saan man kami dalhin ng tadhana.
Mula sa puso, maraming salamat po, Imus.
Sa puso ninyoโdoon kami tunay na nanalo.
Emmanuel Maliksi