01/04/2026
๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ฎ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐
Nagdagdag ng tatlong bagong ruta ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa serbisyo nitong Libreng Sakay ngayong Lunes, Marso 30, 2026, gamit ang dalawang bagong rescue vehicles at ang L300 vehicle na matagal nang ginagamit sa Libreng Sakay papunta at pabalik sa New Imus City Government Center.
Ang mga bagong ruta ay bumabiyahe mula Imus Lumina Point Mall hanggang The District Imus, Jollibee Bucandala hanggang Jollibee Binakayan, at Imus Public Market hanggang Bahayang Pag-asa Public Market mula Lunes hanggang Sabado, 6:00 A.M. hanggang 8:00 P.M.
Dadaan ang ruta mula Imus Lumina Point Mall hanggang The District Imus, papunta at pabalik, sa Robinsons Imus, Patindig Araw, CityMall Anabu, S&R Imus, at Anabu Kostal.
Ang ruta naman mula sa Jollibee Bucandala hanggang Jollibee Binakayan, papunta at pabalik, ay mayroong limang pick-up at drop-off points na kinabibilangan ng Legian II Subdivision, PTC ACM, Carsadang Bago, SM Center Imus, at Miguel Santo โ Alapan Kanto.
Samantala, babaybayin ng ruta mula Imus Public Market hanggang Bahayang Pag-Asa Public Market, papunta at pabalik, ang tatlong pick-up at drop-off points na Citta Italia, BNT Market/Deca Homes, at Puregold Buhay na Tubig.
Nagpaalala rin si City Mayor Alex โAAโ L. Advincula sa mga empleyadong magmamaneho na mag-ingat, sumunod sa mga batas trapiko, at tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Bukod pa rito, mayroong dalawang ruta ng Libreng Sakay ang lokal na pamahalaan papunta at pabalik sa New Imus City Government Center (NICGC) na una nang inilunsad noong Marso 2025. Bumabiyahe ito Lunes hanggang Huwebes, mula sa Old Imus City Hall hanggang NICGC, at ang e-trike mula Jade Residences hanggang NICGC, mula 8:30 A.M. hanggang 6:00 P.M.
Para sa mapa ng ruta, pindutin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CSpDPjhaQ/