24/07/2026
๐๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐ฅ๐จ๐ฌ ๐,๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐๐งฬ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐
Umabot sa 3,993 residente mula sa Cluster Two ang nakinabang sa mga pangunahing serbisyong panlipunan na inilapit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pamamagitan ng Aaksyon Caravan sa Palazzo Belo 2, Carsadang Bago 2 nitong Sabado, Hulyo 18, 2026.
Mainit na tinanggap ni City Mayor Alex โAAโ L. Advincula ang mga Imuseรฑo sa kanyang kumustahan, kasama ang mga department at unit head ng ibaโt ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang maghatid ng serbisyo.
Handog ng caravan ang libreng legal na konsultasyon at notaryo mula sa Office of the City Legal Officer, libreng late birth registration mula sa Office of the City Civil Registrar, at libreng konsultasyong medikal, X-ray, at gamot mula sa Office of the City Health Officer at Ospital ng Imus.
Kasama rin ang Office of the Provincial Governor sa pagbibigay ng gamot, Blood Glucose Test, at libreng ECG (electrocardiogram).
Nakibahagi rin ang PhilHealth sa pamamagitan ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit) Registration upang matulungan ang mga Imuseรฑong mas maabot ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan.
Samantala, hatid ng tanggapan ni Cong. AJ Advincula ang libreng pustiso, konsultasyon sa mata, reading glasses, at guarantee letters.
Inilapit ng Office of the Senior Citizens Affairs, Office of the Persons with Disability Affairs Officer, at Office of the City Social Welfare and Development Officer ang kani-kanilang serbisyo para sa mga higit na nangangailangan.
Naging katuwang naman ng mga naghahanap ng trabaho ang Public Employment Service Office (PESO), habang ang Office of the City Agriculturist ay namahagi ng libreng binhi para sa mga nais magtanim ng gulay sa kani-kanilang bakuran.
Abangan ang susunod na Aaksyon Caravan upang mas marami pang Imuseรฑo ang makinabang sa mga serbisyong hatid ng pamahalaan.