06/08/2026
๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐ฃ๐ข๐๐๐ก: ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ! ๐พโค๏ธโ๐ฅ
Makasaysayan ang ipinagkaloob na landslide victory ng mga Carababies sa buong hanay ng CAFENR Kilos Na! (CKN). Matagumpay na nahalal ang lahat ng ating mga kandidato sa College of Agriculture, Food, Environment, and Natural Resources Student Council Elections 2026!
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay sa balota. Ito ay tagumpay ng pagkakaisa, ng sama-samang pagkilos, at ng paninindigan para sa isang konsehong tunay na nagsisilbi sa interes ng mga estudyante ng CAFENR. Higit pa sa mga posisyon at titulo, ang tunay na nagwagi ngayon ay ang progresibong pulitika ng paglilingkod, pakikibaka, at pananagutan sa masa.
Mula sa laban sa karapatan sa agrikultura, pagsusulong ng hustisyang pangklima, hanggang sa pagtataguyod ng demokratiko at makamasang pamamahala, magsisilbing sandigan ang bagong CAFENR-SC ng bawat Carababies.
Ngayon, higit kailanman, panahon na upang ating dahan-dahang tuparin ang mga kampanyang bitbit natin sa Halalan, tangan ang mandatong pinanday ng pakikibaka ng bawat Iskolar ng Bayan.
๐๐๐ฆ๐จ๐บ๐๐น๐ผ๐ป๐ด, ๐๐๐๐๐ก๐ฅ ๐ ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ, ๐๐๐๐๐ก๐ฅ ๐๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ก๐ฎ! โค๏ธโ๐ฅ๐