CED KILOS NA

Directions

CED KILOS NA Tunay. Palaban. Makabayan. The leading progressive student alliance in CvSU's College of Education. Est. 2024.

05/10/2026

๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! โœŠ๐Ÿผ

Bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga G**o, nagsama-sama ang mga progresibong Kabsuhenyos ng Kolehiyo ng Edukasyon sa pangunguna ng College of Education Student Council (CEd-SC) at CvSU Kilos Na! (CKN) para sa ๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ข๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป. Sa halip na simpleng pagbati, inilatag natin ang mga panawagang matagal nang dinadaing ng mga G**o ng Bayan: nakabubuhay na sahod, makataong kondisyon sa trabaho, regularisasyon ng mga kontraktuwal, dagdag na plantilla items, at sapat na pondong tutugon sa tunay na pangangailangan ng mga paaralan. Sa gitna ng lumalaking pasanin sa kaguruan, hindi dapat sila ang pinagpapasan ng kakulangan at kapabayaan ng pamahalaan.

Kaisa ang mga Kabsuhenyos sa mga g**o at kawani sa pagsusulong ng isang sistemang hindi nagkakait sa mga nasa paaralan ng disenteng kabuhayan at marangal na paggawa. Sapagkat ang pagtatanggol sa kanilang karapatan ay pagtatanggol din sa karapatan ng bawat mag-aaral at sa kinabukasang dapat abot ng lahat. Sa araw na ito, taas-kamaong pagpupugay para sa mga bayaning G**o ng Bayan!

SAPAT NA BADYET SA EDUKASYON, IPAGLABAN!
SWELDO NG KAGURUAN, ITAAS! 50K DAPAT!
SWELDO ITAAS! 36K PARA SA KAWANING SG1 AT SG16 FOR INSTRUCTOR 1!
P.E.R.A DAGDAGAN, GAWING 5,000!
G**O AT KAWANING KONTRAKTUWAL, GAWING REGULAR!
PONDO SA BAYAD-UTANG, KORAPSYON, AT PASISMO, ILIPAT SA SERBISYO!
DEFEND ACADEMIC FREEDOM!
HANDS-OFF OUR TEACHERS!


05/10/2026
05/10/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ

Sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga G**o, isinagawa ang banner unveiling sa CvSU College of Education building bilang pagkilala sa serbisyo, sakripisyo, at dedikasyon ng ating mga g**o.

Higit sa pagbati at pasasalamat, ang pagpupugay na ito ay kasabay ng isang nagkakaisang panawagan para sa makatarungan at sapat na sahod para sa mga g**o, sapagkat ang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa bayan ay dapat na kaakibat ng konkretong suporta at makataong kabuhayan.

Mula sa pagpupugay sa mga bayani ng edukasyon hanggang sa panawagan para sa kanilang kapakanan, iisa ang ating paninindigan:

DAGDAG SWELDO, HINDI DAGDAG TRABAHO!
IPAGLABAN ANG KARAPATAN AT KAGALINGAN, SAPAT NA BADYET AT MAKABAYANG EDUKASYON! โœŠ๐Ÿผ



04/10/2026
02/10/2026
02/10/2026

๐—ก๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก ๐—ง๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ! ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง ๐—–๐—จ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—–๐˜ƒ๐—ฆ๐—จ, ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก! ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก! ๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐—ก๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก!

Hindi na bago ang pagnanakaw at pangingipit ng pondo sa edukasyon. Mula pa sa madilim na panahon ng Diktadurang Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang rehimeng Marcos-Duterte, bitbit ng mga mag-aaral ang tungkuling maningil at lumaban sa bawat bawas sa ating kinabukasan.

Habang ipinagtutulakan ang mga proyektong tulad ng Pax Silica at hinahayaang makalusot ang bilyon-bilyong anomalya sa flood control, confidential funds, at militarisasyonโ€”edukasyon naman ang pinagkakaitan at ninanakawan! Ang parusa nito sa CvSU: napakalaking โ‚ฑ67 MILYONG BUDGET CUT na direktang aapekto sa ating mga pasilidad, laboratoryo, at sahod ng kaguruan!

Hindi tayo mananatiling tahimik sa loob ng mga silid-aralan habang binabarat ang ating pamantasan. Sa gitna ng tumitinding krisis, ang panawagan ng panahon ay ang dumaan sa kalsada at buong-lakas na manindigan.

Kaya bukas, sama-sama tayong ๐——๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”!

๐—–๐˜ƒ๐—ฆ๐—จ ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ข๐—จ๐—ง!
SEPTEMBER 21 | WEAR BLACK โฌ›

๐Ÿ“ 10:00 AM | Assembly Points:
CAFENR | CAS | CEIT | CED Quadrangle
๐Ÿ“ 11:00 AM | Main Program:
Laya't Diwa Plaza

๐Ÿ”— Sumama sa CvSU LBC Coordinating Group Chat:
https://tinyurl.com/CvSULabanSaBudgetCutNetwork



18/09/2026

Address

Cavite State University/Don Severino Delas Alas Campus
Indang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CED KILOS NA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share