Department of Public Works and Highways

Department of Public Works and Highways The engineering and construction arm of the Philippine government.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Halos kalahati na ang natatapos ng DPWH sa pagaayos ng sira-sirang Manila-Cavite Road na Noveleta, Cavite na no...
02/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Halos kalahati na ang natatapos ng DPWH sa pagaayos ng sira-sirang Manila-Cavite Road na Noveleta, Cavite na noong ininspeksyon ni Public Works Secretary Vince Dizon noong nakaraang buwan ay 6% lamang ang construction progress at naging sanhi ng matinding trapiko sa lugar at pagkasayang sa oras ng mga motorista at komyuter.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang konstruksyon ng mga naka-tengga at hindi matapos-tapos na infrastructure projects ng pamahalaan upang mapadali ang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Muling binisita nitong Martes ni Secretary Dizon kasama sina Cavite Gov. Francisco โ€œAbengโ€ Remulla, Vice Gov. Ram Revilla Bautista at Noveleta Vice Mayor Dino Carlo Chua ang kalsada, kung saan naunang iniutos ng Kalihim ang 24/7 na konstruksyon ng Manila-Cavite Road para mabuksan na ito sa mga motorista at komyuter bago ang Undas.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Natapos at naiturnover na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Imus Retarding Basin na pangang...
01/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Natapos at naiturnover na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Imus Retarding Basin na pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Cavite upang magsilbing imbakan ng tubig oras na umapaw ang Imus River.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulungan sa mga partner countries at local government units (LGUs) para sa pagsasagawa ng mga strukturang maiibsan ang matinding pagbaha.

Ininspeksyon nina Public Works Secretary Vince Dizon, Interior Secretary Jonvic Remulla, Cavite Governor Francisco Gabriel Remulla, at Imus Mayor Alex Advincula ang strukturang natapos katulong ang Japan International Cooperation Agency (JICA), na ayon sa mga lokal na opisyal ay malaki ang naitulong upang maiwasan matinding pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod.

01/09/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Bukas na sa publiko ang Dacudao Avenue sa Brgy. Gov. Paciano Bangoy, Davao City, isang buwan matapos inspeksyunin ni Public Works Secretary Vince Dizon ang konstruksyon ng Dacudao Storm Drainage na inaasahang maiibsan ang dalang perwisyo na dulot ng baha sa mga motorista at komyuter lalo na tuwing tag-ulan.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang konstruksyon ng mga proyekto sa Davao City upang mapakinabangan ng mga mamamayan at tuluyang maibalik ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar.

01/09/2026
01/09/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Nagsasagawa na ng 24/7 restoration works ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Agana Bridge sa Tarlac City matapos itong gumuho noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan, upang agad na maibalik ang kritikal na imprastrukturang araw-araw dinaraanan ng mga motorista at komyuter.

Minamadali na rin ng DPWH ang pagtatayo ng temporary bailey bridge, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng pansamantalang tulay para hindi maantala at mapatagal ang biyahe ng mga motorista at komyuter.

31/08/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Naka-deploy na ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel upang bantayan ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Manila, matapos ang insidente ng nakawan ng specialized cable sa loob ng pasilidad, dahilan para hindi ito gumana at magresulta ng abot bewang na baha sa lugar noong Sabado, August 29.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deployment ng mga PCG personnel para tiyaking ang seguridad ng mga pumping stations at hindi na maulit ang insidente ng nakawan at matiyak na gumagana ang mga pumping stations sa Metro Manila.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang Sunog Apog Pumping Station sa kanilang komunidad na ilang linggo na sanang hindi binabaha bago manakaw ang mga kable.

31/08/2026

๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐–, ๐๐”๐Œ๐€๐‹๐˜๐€, ๐๐€๐†๐ƒ๐”๐‹๐Ž๐“ ๐๐† ๐๐€๐‡๐€
๐˜—๐˜‰๐˜‰๐˜”, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

Pinaiimbestigahan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang pagnanakaw ng specialized na kable sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Manila, dahilan para pumalya ang pagbomba ng tubig na nagresulta naman sa abot-bewang na baha sa lugar noong Sabado, August 29.

Ayon kay Secretary Dizon, iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na higpitan ang seguridad sa mga pumping stations sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) para mabantayan ng maigi ang pasilidad at hindi na maulit ang insidente ng nakawan.

โ€œAng tagal-tagal naming pinaghirapan na paganahin โ€˜to. Ang laking perang ginastos dito tapos meron lang magnanakaw. Ang laking perwisyong dinudulot niyo. So hindi itotolerate ng Pangulo natin โ€˜yan,โ€ sinabi ni Secretary Dizon sa pagbisita sa Sunog Apog Pumping Station kahapon.

31/08/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos ng nasirang Agana Bridge sa Tarlac City, kasabay ng pagdating ng mga heavy equipment at materyales para sa pagtatayo ng temporary bailey bridge.

Pinabibilis ng ahensya ang restoration works upang agad na maibalik ang ligtas na daanan at koneksyon ng Tarlac City sa mga karatig-bayan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastruktura at maibalik ang normal na daloy ng biyahe.

31/08/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Isang linggo matapos bisitahin ni Public Works Secretary Vince Dizon ang Hagonoy, Bulacan, sinimulan na ng DPWH ang pagsasaayos ng natenggang Iba Pumping Station at flood gate, na inaasahang makatutulong maibsan ang matinding pagbaha sa lugar.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking gumagana ang mga flood control structures sa buong bansa ngayong habagat season.

Iniutos na rin ni Secretary Dizon ang pagtatanggal ng mga sheet piles na nakaharang sa daluyan ng tubig upang mas mapabilis ang pag-agos ng tubig patungong Angat River.

31/08/2026

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: Dumating na ang mga heavy equipment at materyales para sa pagtatayo ng temporary bailey bridge sa nasirang Agana Bridge sa Tarlac Cityโ€”higit isang araw matapos itong gumuho dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng habagat.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways na bilisan ang pagsasaayos ng nasirang tulay, upang agad na maibalik ang daanan at koneksyon ng lungsod sa mga karatig-bayan.

Address

DPWH Head Office, Bonifacio Drive
Intramuros
1018

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Public Works and Highways posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Public Works and Highways:

Shortcuts

Share