Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay

Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay Official Page of Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay

โ€ผ๏ธ ๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐ฆ๐จ ๐›๐š? ๐€๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ ๐š๐ฆ๐จ๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐šโ€ผ๏ธPumili...
17/08/2026

โ€ผ๏ธ ๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐ฆ๐จ ๐›๐š? ๐€๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ ๐š๐ฆ๐จ๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐šโ€ผ๏ธ

Pumili ng de-kalidad at abot-kayang gamot, bumili lamang sa mga lisensyadong botika, at maging mapanuri sa presyo, label, at impormasyong kaugnay ng gamot.

Sa paggamit ng antibiotics, mahalaga ang wastong paggamit. Gamitin lamang ang mga ito ayon sa payo at reseta ng kwalipikadong health professional, at sundin ang wastong paraan ng pag-inom.

Sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng gamot at pagkakaroon ng tamang impormasyon, sama-sama nating mapoprotektahan ang kalusugan ng bawat isa at makatulong sa pagpigil sa antimicrobial resistance (AMR).

"Ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon bago at pagkatapos magpasuso ay isang simpleng paraan upang makatulong...
17/08/2026

"Ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon bago at pagkatapos magpasuso ay isang simpleng paraan upang makatulong na maprotektahan si baby laban sa sakit. ๐Ÿคฑ
Sundin ang mga simpleng hakbang:
๐Ÿ’ง Basain ang mga kamay gamit ang malinis na tubig.
๐Ÿ’ง Sabunin at kuskusin ang buong kamay.
๐Ÿ’ง Banlawan nang mabuti hanggang maalis ang sabon.
๐Ÿ’ง Patuyuin ang mga kamay.

Ugaliin ding maghugas ng kamay:
1. Bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
2. Pagkatapos magpalit ng lampin o gumamit ng palikuran.
3. Pagkatapos magtanim o magdilig ng halaman.
4. Pagkatapos humawak ng alagang hayop o pera.

Gawing bahagi ng araw-araw na pangangalaga ang tamang paghuhugas ng kamay. Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng . Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works!



"

PAGDATING SA STROKE, DAPAT LAGING BE FAST!Ang stroke o brain attack ay isang emergency na nangangailangan ng mabilisang ...
17/08/2026

PAGDATING SA STROKE, DAPAT LAGING BE FAST!

Ang stroke o brain attack ay isang emergency na nangangailangan ng mabilisang aksyon. Ang pagkilala sa mga paunang senyales nito ay maaaring magligtas ng buhay ng iyong kapamilya, kaibigan, o kakilala.

Tandaan ang BE FAST method:

1. Balance โ€“ Biglang pagkahilo o pagkawala ng balanse
2. Eyes โ€“ Biglang paglalabo ng paningin
3. Face โ€“ Pagkalaylay ng mukha kapag ngumingiti
4. Arms โ€“ Panghihina o pagmanhid ng bisig
5. Speech โ€“ Pabulol o hirap sa pagsasalita
6. Time โ€“ Oras ang katapat! Tumawag agad sa 911 o dumeretso sa pinakamalapit na ospital.

PAGDATING SA STROKE, DAPAT LAGING BE FAST!

Detalye sa Comment Section

"Breastfeed on Demand! ๐Ÿคฑ๐Ÿ‘ถAlamin ang mga maagang senyales ng gutom ni baby at pasusuhin siya sa oras na kailangan niya:1๏ธ...
17/08/2026

"Breastfeed on Demand! ๐Ÿคฑ๐Ÿ‘ถ

Alamin ang mga maagang senyales ng gutom ni baby at pasusuhin siya sa oras na kailangan niya:
1๏ธโƒฃ Hindi mapakali o panay ang galaw.
2๏ธโƒฃ Binubuka ang bibig at ipinipihit ang ulo na tila naghahanap ng suso.
3๏ธโƒฃ Inilalabas at ipinapasok ang dila.
4๏ธโƒฃ Sinisipsip ang daliri, kamao, o kamay.
5๏ธโƒฃ Umiiyak. (Huling senyales na ito ng gutom)

Tandaan: Mas madali ang pagpapasuso kapag maagap na natutugunan ang kanyang pangangailangan! Patuloy na isinusulong ng Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP ang pagpapasuso bilang pundasyon ng malusog na simula para sa bawat sanggol ngayong !


"

"Nahinto sa pagpapasuso nang ilang araw, linggo, o buwan? Huwag mawalan ng pag-asa, Mommy! Posible pa ring makabalik sa ...
17/08/2026

"Nahinto sa pagpapasuso nang ilang araw, linggo, o buwan? Huwag mawalan ng pag-asa, Mommy! Posible pa ring makabalik sa pagpapasuso sa pamamagitan ng relactation! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’›

Ang relactation ay isang proseso kung saan pinasisigla muli ang katawan ni mommy para makagawa ng breastmilk. Ito ay nangangailangan ng sapat na panahon, tiyaga at tamang gabay mula sa Health Workers. ๐Ÿ‘ถ๐Ÿฅ

Tandaan: Ang pagpapasuso ay hakbang tungo sa mas malusog na simula ni baby. Alamin ang tamang impormasyon at huwag mag-atubiling humingi ng suporta! Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng . Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works!


"

ALAGAAN ANG KALUSUGAN NG ATING MGA BAGA ๐Ÿ’šNgayong National Lung Month, ipinapaalala ng DOH na alamin ang mga senyales na ...
17/08/2026

ALAGAAN ANG KALUSUGAN NG ATING MGA BAGA ๐Ÿ’š

Ngayong National Lung Month, ipinapaalala ng DOH na alamin ang mga senyales na dapat bantayan:

โ€ข Ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa
โ€ข Hirap sa paghinga
โ€ข Paninikip ng dibdib

Kapag may sintomas, magpatingin sa pinakamalapit na health center.

I-scan ang QR code upang mahanap ang pinakamalapit na TB-DOTS clinic sa inyong lugar.

17/08/2026
Happy Birthday to Ms. Niรฑa Chieque Diane Briones , Pharmacist II of Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay. Wishing y...
16/08/2026

Happy Birthday to Ms. Niรฑa Chieque Diane Briones , Pharmacist II of Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay. Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless blessings! May you continue to be a source of care, knowledge, and kindness to everyone you serve. May your dedication as a pharmacist be rewarded with succes, fulfillment, and plenty of reasons t smile.

Happy Birthday, and may your life always be filled with the right ''dosage'' of love, joy, and success!๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ .

"Hanapin ang posisyong komportable para kay Mommy at Baby upang maging mas maayos ang pagpapasuso! ๐ŸคฑNarito ang ilan sa m...
10/08/2026

"Hanapin ang posisyong komportable para kay Mommy at Baby upang maging mas maayos ang pagpapasuso! ๐Ÿคฑ

Narito ang ilan sa mga wastong breastfeeding positions na maaaring subukan:
๐Ÿ‘ถ Cradle position
๐Ÿ‘ถ Football hold o underarm position
๐Ÿ‘ถ Cross-cradle position
๐Ÿ‘ถ Laid-back position
๐Ÿ‘ถ Side-lying position

Tandaan: Walang iisang tamang posisyon sa pagpapasuso. Ang pinakamainam ay ang posisyong komportable para kay Mommy at kay Baby! Patuloy na isinusulong ng Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP ang pagpapasuso bilang pundasyon ng malusog na simula para sa bawat sanggol ngayong

!

"

"Bawat tamang hakab ay hakbang tungo sa mas malusog na simula! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’›

Narito ang mga hakbang para sa tamang hakab o latching:
1๏ธโƒฃ Ilapit si baby sa dibdib at suportahan ang kanyang ulo at leeg.
2๏ธโƒฃ Dampian ang labi ni baby gamit ang utong at hintaying bumuka nang malaki ang kanyang bibig.
3๏ธโƒฃ Pisilin nang bahagya ang suso upang mas madaling makuha ni baby ang utong at bahagi ng ar**la.
4๏ธโƒฃ Ilapit si baby sa dibdib upang makakapit nang malalim. Huwag pilitin ang pagsubo, hayaan siyang makahakab nang maayos.

Tandaan: Ang tamang hakab ay nakatutulong para maging komportable si mommy at maayos na makasuso si baby! Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng . Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works!



"

Address

Dr. George T. Hofer Medical Complex, Brgy. Tenan, Municipality Of Ipil, Zamboanga Sibugay Province
Ipil
7001

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63629551618

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial DOH Office - Zamboanga Sibugay:

Shortcuts

Share