02/09/2025
ROMUALDEZ AT “BIG 6”, MASTERMIND SA LIKOD NG KORUPSYON SA DPWH; YAMAN, LUMOBO NG MAHIGIT 3 BILYON MULA 2022!Vale Zamboanga
Si House Speaker Martin Romualdez at ang kaniyang grupong “The Big 6” ang itinuturong mastermind sa likod ng laganap na korupsyon sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa isang mapagkakatiwalaang source.
Sa nakalap na impormasyon ng United Philippines Against Corruption (UPAC), pumapalo sa 65% ng budget ng mga proyekto ang napupunta kina Romualdez at kasabwat nitong mga kongresista sa porma ng kickback.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na handa siyang pangalanan ang “big fish” sa likod ng koruspyon sa DPWH kung sakaling imbitahan siya ng kongreso sa isinasagawa nitong imbestigasyon.
Maliban kay Romualdez, sangkot din sa pangungurakot ng bilyon-bilyong pondo ng flood control projects ang kaniyang malalapit na kaibigan na sina dating Budget Panel Chair at Sunwest Inc. CEO Zaldy Co, Senior Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, CWS Party-list CONGtractor Edwin Gardiola, dating Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, at dating Majority Leader Mannix Dalipe.
Samantala, sa tala ng Office of the Ombudsman, mahigit 1,000 porsyento ang itinaas ng yaman nina Romualdez sa idineklara nilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula 2022 hanggang 2025, kasabay ng paglobo ng budget ng infrastructure at flood control projects ng DPWH.
Makikita sa larawan ang paglaki ng kanilang yaman sa nagdaang tatlong taon.