20/07/2026
๐ฌ๐จ๐๐ง๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ, ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Matagumpay na naisakatuparan ng Sangguniang Kabataan ng San Isidro, Lungsod ng Iriga ang YUGTO: Kabataang Handa para sa Mas Maunlad na Bukas, isang seminar at palihan sa paggawa ng resume, liham aplikasyon, at paghahanda sa paghahanap ng trabaho, na ginanap noong Hulyo 18, 2026 sa Fatima Integrated Farm School, Inc., Barangay San Agustin, Lungsod ng Iriga.
Layunin ng programang ito na ihanda ang mga kabataan sa kanilang pagpasok sa mundo ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan na magagamit sa kanilang paghahanap ng oportunidad sa hinaharap. Sa pamamagitan ng mga aktuwal na pagsasanay at pagbabahagi ng karanasan, nabigyan ang mga kalahok ng mas malinaw na direksyon at mas matibay na kumpiyansa sa pagharap sa kanilang propesyonal na paglalakbay.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa aming tatlong inimbitahang tagapagsalita na buong husay at dedikasyong ibinahagi ang kanilang kaalaman, karanasan, at inspirasyon upang maging mas handa ang ating mga kabataan sa mga hamon ng paghahanap ng trabaho.
Maraming salamat din sa lahat ng mga kalahok na aktibong nakiisa at naglaan ng oras upang matuto at paunlarin ang kanilang sarili. Ang inyong sigasig at determinasyon ang nagpapatunay na ang kabataang Labradorian ay handang matuto, umunlad, at harapin ang kinabukasan.
Higit sa lahat, taus-puso kaming nagpapasalamat sa Fatima Integrated Farm School, Inc. sa pagbubukas ng kanilang institusyon bilang lugar ng pagdarausan ng programa, sa tulong ng Senior High School Coordinator, Bb. Alma Aganon at g**o sa institusyon, Bb. Ladymae D**o at lalong-lalo na sa kanilang Punongg**o, Sr. Vanise Mariel Ocera, DSA, sa kanilang walang sawang suporta, mainit na pagtanggap, at paniniwala sa mga programang nagbibigay-kapangyarihan sa kabataan.
Ang tagumpay ng YUGTO ay patunay na ang kabataan ay nangangailangan ng mga programang hindi lamang nagbibigay-aliw, kundi naghahanda rin sa kanila para sa tunay na buhay. Bilang tugon dito, nananatiling matatag ang pangako ng Sangguniang Kabataan ng San Isidro na magpatupad ng mga makabago, makabuluhan, at pangmatagalang inisyatibaโmga programang lumalampas sa tradisyunal na pagdaraos ng mga aktibidad at tunay na tumutugon sa kasalukuyan at hinaharap na pangangailangan ng kabataan.
Patuloy naming isusulong ang mga programang nagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at mga oportunidad upang ang bawat kabataan ay maging handa, may kakayahan, at may tiwala sa pagbuo ng isang mas maunlad na bukas.