05/01/2026
Sa ngamin po na agko Business Establishment sadi Brgy San Isidro
delivery of Frontline and basic
services
ZONE 2, NAKAR Street SAN ISIDRO, IRIGA CITY
Iriga City
4431
| Monday | 8am - 4:30pm |
| Tuesday | 8am - 4:30pm |
| Wednesday | 8am - 4:30pm |
| Thursday | 8am - 4:30pm |
| Friday | 8am - 4:30pm |
Be the first to know and let us send you an email when LGU - SAN Isidro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Ayon sa matatanda, ang barangay san isidro Labrador palibhasS may malawak na bukid at kapatagang mapagtataniman, kung kaya pinili nila ang mahal na Patrong Manananim na dili’t iba si San Isidro Labrador. Dahil sa mabilis na pagdami o paglaki ng populasyon ay nagkaroon ang pook na ito ng iba’t ibang sitio/purok na kinikilala sa tawag na: ILAWOD, IRAYA, BABATNGAN, GABAS, KINUWARTILA, SABANG, GARITO at MASOSU. Lumipas ang mga taon.Lumipas ang maraming taon, na nagpasalin salin ang mga pinuno ng mga barangay na kasingbilis din ng pagpapasalin-salin ng mga pinunong bayan at marami sa mga sitiong nabanggit nna, sa pamamagitan ng mga ordinansa ng bayan, karamihan sa maga sitiong ito ay naiproklamang aming mga bagong barangay tulad ng, PERPETUAL HELP (Kinuwartelan), STA. MARIA (Sabang, santol at tubigan) STA. TERESITA. Bukod pa sa mga ito ang mga barangay ng SAN ANDRES, SAN VICENTE, SAN PEDRO, NIÑO JESUS, STA. ISABEL, SAGRADA, SAN RAFAEL, at SAN RAMON.
Ang barangay San Isidro, tulad ng ilang mga barangay ay may makulay na kasaysayan. Tuwing sasapit ang ika-15 ng Mayo, na siyang naitakdang kapistahan ng Mahal na Patrong San Isidro Labrador ay nagkakaroon ng iba’t ibang palabas na kinagigiliwan ng mga tao, dayo man o katutubo. Sa bispiras ng kapistahan, ang mga patrong san isidro, san Nicolas at san agustin ay magkakasama sa prosisyon. Ang prosisyong ito ay ginagayakan ng mga lawiswis-kawayan na napapalamutian ng mga malapad na panyo sa bawat sanga, na bukod pa sa iba’t iba nitong kulay ay ay sari-sari pang desenyo, na nakatoka sa iba’t-ibang Tenyente del Barrio, at mga Hermano at Hermana. Itinatampok naman sa araw ng kapistahan ay ang mga larong: Palo Sebo, Karera De Cato, Karera ng Kalabaw, Karera De Sentas, at higit sa lahat ang kinagigiliwan ng mga bata ay ang mga mananayaw na Alferez (wondering Minstril) na sa saliw ng kanilang mga gimbal (native drum) sila’y pasayaw-sayaw at paditso-ditso (decho).
Hindi maikakailang ang pag-unlad ng isang barangay ay kasama ang m,ga pagpapatayo ng mga paaralan, mga gusaling pangkalakalan kung kaya ang unang paaralang nagging kaakbay ng barangay ay ang San Isidro Elementary School (Grades 1- 6) at hindi nagtagal nagging kumpleto, at di naglipas ay naging elementarya na inuugit ng isang Punong G**o, at bilang Unang gradwayt ay ang ating Punong Barangay na si Roman B. Robles. Bilang katunayan na ang paaralan at barangay ay dapat lagging magkatuwang sa anumang kilusang pangsibiko nitong huling mga taon ang barangay San Isidro, nailuklok sa “HALL OF FAME” ng Lungsod ng Iriga at Lalawigan ng Kamarines sa larangan ng “CLEAN AND GREEN” at “BEST OF HERBAL GARDEN”ng pamabansang programa noong 1995-1998. Ang karangalang tinamong ito ng barangay ay isang bagay na hindi makakalimutan at di-madaling mapantayan sa kasaysayan ng San Isidro, at ng Lungsod ng Iriga.
Sa patuloy na pag-unlad ng Barangay San Isidro, kalian-ilan lamang ay nagsipatayoan ang mga gusali ng “HALL OF JUSTICE, CASURECO, LTO, REGIONAL TRAINING CENTER ON NON-FORMAL EDUCATION”, magkatuwang na pagpupunayagi ng mga nasirang Congressman Ciriaco (Boboy) R. Alfelor at Gatpuno Jose C. Villanueva na ngayong ay lalo pang pinapatnubayan ni Gatpuno Emmanuel R. Alfelor kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Iriga.