02/06/2026
Ang buong pamunuan at kaguruan ng San Bonifacio Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating PSDS,Sir Felmar A. Danipog,sainyung isinagawang monitoring at pagbisita sa aming paaralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong paggabay, suporta, at mahahalagang rekomendasyon na makatutulong sa patuloy na pagpapabuti ng aming mga programa at paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang inyong presensya ay patunay ng patuloy na pagtutulungan at pagtutok ng DepEd upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat po, Sir Felmar, sa inyong dedikasyon at patuloy na pagsuporta sa adhikain ng Brigada Eskwela.