31/08/2026
🙏Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pambansang Araw ng mga Bayani, Taos pusong pasasalamat sa mga empleyadong tahimik na gumagawa ng kanilang tungkulin—hindi naghihintay ng pagkilala, kundi handang tumugon sa abot ng kanilang kakayahan..
Sa panahon ng peligro tulad ng bagyo, baha, lindol, sunog, pandemya, disgrasya sa lansangan, medikal na tulong mula sa kanilang nga tahanan at iba pang sakuna, kabilang sa mga unang kumikilos ang ating mga rescuers, responders at volunteers. Habang ang iba ay naghahanap ng ligtas na lugar, sila naman ay patungo sa lugar kung saan may nangangailangan ng tulong.
May mga gabing walang tulog. May mga araw na malayo sa pamilya. May mga pagkakataong kailangang harapin ang pagod, sinusuing ang panganib, magsilbi bente kwatro oras mula lunes hanggang linggo at madalas sa hindi tiyak na sitwasyon—para lamang makatulong at makapagligtas.
Hindi man sila laging napapansin, malaking bahagi ng kaligtasan ng isang komunidad ang kanilang serbisyo at sakripisyo.
Isang taos-pusong saludo at pasasalamat sa lahat ng DRRM workers, emergency rescuers/responders, volunteers at ordinaryong mamamayang handang tumulong sa oras ng pangangailangan.
Ang kabayanihan ay hindi lamang nagmula sa ating nakaraan at nakasulat sa librong ating nakagisnan. Kundi patuloy itong nakikita sa bawat mamamayang handang maglingkod at tumulong sa mga nangangailangan.
Salamat sa taos pusong paglilingkod❗️