23/08/2026
SCHOLAR TRANSPARENCY | DAPAT MAY PUBLIC POSTING NG DISTRIBUSYON NG SCHOLARSHIP ASSISTANCE
Bahagi ng transparency at monitoring requirements ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) ang pagsasapubliko ng dokumentasyon kaugnay ng pamamahagi ng educational assistance sa mga napiling scholars.
Ayon sa DILG Memorandum Circular No. 2026-038, kabilang sa monitoring requirements ang link ng Facebook post ng barangay na nagpapakitang naipamahagi na ang assistance sa mga kinilalang scholars. Inaatasan din ang mga barangay na mag-post ng official o authorized photo documentation at scholar testimonials sa kanilang official pages gamit ang itinakdang program hashtags.
Sa scholar component ng programa, ₱100,000 ang nakalaan sa bawat barangay para sa limang scholars, kaya tig-₱20,000 ang educational assistance ng bawat benepisyaryo. Ang assistance ay maaaring gamitin sa tuition at school fees, school supplies, transportation, pagkain at iba pang education-related expenses na kailangan upang maipagpatuloy at matapos ang kanilang pag-aaral.
Mahalagang linawin na hindi kapalit ng public posting ang pormal na dokumentasyon ng programa. Kinakailangan pa ring lumagda ang bawat scholar sa acknowledgement receipt bilang patunay na natanggap niya ang ₱20,000 assistance.
Sa pamamagitan nito, may opisyal na record ng distribution at mayroon ding publicly accessible documentation na maaaring makita ng komunidad—isang mahalagang bahagi ng transparency at accountability sa paggamit ng pampublikong pondo.
KaBasilan, may naipost na rin bang scholarship update ang barangay ninyo?
Source: DILG Memorandum Circular No. 2026-038