City Government of Isabela de Basilan

City Government of Isabela de Basilan The official page of the Local Government Unit of Isabela City, Province of Basilan.
(12)

Vision
By 2040, we the people of Isabela City, envision a flourishing and vibrant and an environmentally sustainable community that is prosperous, empowered and peaceful, where unity in diversity is celebrated and harnessed, and participatory, transparent and responsive governance, nurtures a happy and dignified life for all. Mission
We are committed to institutionalized responsive and inclusive g

overnance that empowers members of the community to build happy and peaceful neighborhoods where everyone can live prosperous and dignified life.

06/08/2026

π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—’π—— 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π——π—”π—›π—œπ—Ÿπ—”π—‘. | May mga araw na halos walang pahinga. Pero kapag ang kapalit ay mas magandang kinabukasan para sa bawat IsabeleΓ±o, lahat ng pagod ay nagiging sulit.

Hindi man makita ng lahat ang pagod… mararamdaman naman ng bawat IsabeleΓ±o ang resulta.

Ang tunay na serbisyo, hindi lang ginagawaβ€”isinabubuhay. πŸ’™

06/08/2026
'π—¨π—¦π—”π—£π—”π—‘π—š π—•π—¨π—‘π—§π—œπ—¦', π—šπ—œπ—‘π—”π—‘π—”π—£ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π— π—˜π—‘π—­π—œ | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya, nagsaga...
06/08/2026

'π—¨π—¦π—”π—£π—”π—‘π—š π—•π—¨π—‘π—§π—œπ—¦', π—šπ—œπ—‘π—”π—‘π—”π—£ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π— π—˜π—‘π—­π—œ | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya, nagsagawa ang Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon (CPMDO), sa pangunguna ni CPMDO/CNAO Jesielyn Puno, ng Usapang Buntis para sa mga benepisyaryo ng 90 Days Mangan Para Alasig Program para sa mga buntis na may panganib sa kakulangan sa nutrisyon sa Barangay Menzi, ika-6 ng Agosto.

Bahagi ang gawaing ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, na isulong ang responsableng pagiging magulang, ligtas na pagbubuntis, at wastong pagpaplano ng pamilya.

Sa isinagawang talakayan, nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman tungkol sa kalusugan ng buntis, wastong nutrisyon sa panahon ng pagdadalang-tao, tamang pagitan ng panganganak, at iba't ibang serbisyo sa family planning na makatutulong upang matiyak ang mas ligtas na pagbubuntis at mas mabuting kalusugan ng ina at ng kanyang sanggol.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na edukasyong pangkalusugan at mga programang nakabatay sa komunidad, nananatiling katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pagbibigay ng kaalaman at suporta sa bawat pamilya upang makamit ang mas malusog, mas matatag, at mas maayos na kinabukasan. (Ambag na Ulat)




π—œπ—žπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 π—‘π—š π—¨π—£π—Ÿπ—œπ—™π—§ 𝗣𝗔𝗬𝗒𝗨𝗧, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 | Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Ikalawang Ba...
06/08/2026

π—œπ—žπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 π—‘π—š π—¨π—£π—Ÿπ—œπ—™π—§ 𝗣𝗔𝗬𝗒𝗨𝗧, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 | Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Ikalawang Batch ng 'UPLIFT Program' ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) noong ika-5 ng Agosto, sa tulong-suporta ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO).
β€Ž
β€ŽUmabot sa 1,719 na benepisyaryo mula sa 22 barangay ang tumanggap ng kani-kanilang uplift payout β€” kabilang ang Aguada, Balatanay, Baluno, Begang, Binuangan, Busay, Cabunbata, Calvario, Carbon, Diki, DoΓ±a Ramona, Isabela Eastside, Isabela Proper, Kapatagan Grande, Kapayawan, Kaumpurnah Zone I, II, at III, Kumalarang, La Piedad, Lampinigan, at Lanote.
β€Ž
β€ŽLayunin ng 'UPLIFT Program' na bigyan ng dagdag na suporta ang mga miyembro ng komunidad, bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng pambansang pamahalaan sa mga programang pangkaunlaran at pantulong-panlipunan.

Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang mabilis at maayos na pagsasagawa ng aktibidad, bunga ng malapit na koordinasyon sa pagitan ng DSWD Isabela City, CSWDO, gayundin ang tulong ng mga barangay officials.
β€Ž
β€ŽPatuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pagsuporta sa mga programa ng pambansang pamahalaan tungo sa pag-abot ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni K. Galano, IsaTV)
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

06/08/2026
π—¨π—‘π——π—˜π—₯π—¦π—§π—”π—‘π——π—œπ—‘π—š π—§π—›π—˜ π—–π—œπ—₯π—–π—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—˜π—–π—’π—‘π—’π— π—¬ | What if the things we throw away today could become the resources of tomorrow?That ...
06/08/2026

π—¨π—‘π——π—˜π—₯π—¦π—§π—”π—‘π——π—œπ—‘π—š π—§π—›π—˜ π—–π—œπ—₯π—–π—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—˜π—–π—’π—‘π—’π— π—¬ | What if the things we throw away today could become the resources of tomorrow?

That is the vision of a circular economy, an economic system where products and materials are designed to be reused, repaired, refurbished, remanufactured, and recycled instead of being discarded after a single use. Unlike the traditional "take-make-dispose" model, a circular economy keeps valuable resources in circulation for as long as possible, reducing waste while creating economic, social, and environmental value.

In the Philippines, the transition toward a circular economy is supported by key environmental laws, including Republic Act No. 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000, and Republic Act No. 11898, or the Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022. Together, these policies encourage waste reduction, resource recovery, responsible production, and shared accountability among government, businesses, and consumers.

A circular economy is more than just recycling. It is about rethinking how products are designed, produced, consumed, and recovered, transforming waste into resources, fostering innovation, creating green jobs, and protecting ecosystems for future generations.

As the countdown continues to the EPR Environmental Summit & Investment Forum 2026, hosted by the City Government of Isabela de Basilan, stakeholders from across the country will gather to explore emerging technologies, innovative approaches, and practical strategies that will help accelerate the Philippines' transition toward a circular economy.

The Summit is being undertaken in partnership with the Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau Region IX (DENR-EMB IX), the Mindanao Development Authority (MinDA), and the European Union–Philippines Green Economy Partnership (EU-PH GEP) through the Global Gateway Initiative, reaffirming a shared commitment to building sustainable, resilient, and resource-efficient communities.




π—¦π—”π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—žπ—”π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—‘ 𝟰.𝟬, π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—’π—‘π—š "π—œπ—¦π—” 𝗔𝗧 π—•π—˜π—Ÿπ—”", π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 π—ͺπ—˜π—¦π—§π—¦π—œπ——π—˜ | Kasabay ng paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa, m...
06/08/2026

π—¦π—”π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—žπ—”π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—‘ 𝟰.𝟬, π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—’π—‘π—š "π—œπ—¦π—” 𝗔𝗧 π—•π—˜π—Ÿπ—”", π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 π—ͺπ—˜π—¦π—§π—¦π—œπ——π—˜ | Kasabay ng paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa, masayang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO) at sa pakikipagtulungan ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Isabela, ang Sakayan Kaalaman 4.0, kasabay ng paglulunsad ng librong "Si Isa at Bela: Mga Munting Bayani ng Kalikasan" noong ika-5 ng Agosto sa Westside Elementary School.
β€Ž
β€Žβ€‹Mainit na binuksan ni Punongguro Nurrahma Abubakar ang palatuntunan sa kanyang pagtanggap sa mga panauhin at sa 100 napiling mag-aaral na nagpapatuloy sa pag-aaral bumasa mula una hanggang Ika-anim na baitang (Grade 1 at Grade 6). Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng sasakyang-aklatan sa pagbuo ng pangarap ng bawat bata:
β€Ž
β€Žβ€‹"Ang Sasakyang-Aklatan (Mobile Library Vehicle) ay hindi lamang sasakyan para sa pag-aaral; ito ay isang 'vessel' o sisidlang nagdadala ng mga pangarap, kinabukasan, at pangako na bawat bata ritoβ€”saanman sila makaratingβ€”ay matututong magbasa."
β€Ž
β€Žβ€‹Nagpaabot din ng buong suporta ang iba't ibang kinatawan ng edukasyon at pamahalaan sa pamamagitan ng mga 'Mensahe ng Pagtaguyod':
β€Ž
Ang hepe ng β€Žβ€‹Pangasiwaan ng Kurikulum at Pagtuturo (CID) Henry Tura (nirepresenta ni Tagapag-ugnay sa Pagbasa / PSDS Fadher Ismael), ay ibinahagi ang matagumpay na paglalakbay ng programa noong nakaraang taon sa Paaralan ng Kaumpurnah at ipinaalala ang tunay na layunin ng inisyatibo.
β€Ž
β€Žβ€‹"Ang tunay na serbisyo ng Sakayan Kaalaman ay hindi lamang sa pagbabasa nasusukat, kundi sa dami ng nabagong buhay at naging inspirasyon sa mga bata."
β€Ž
β€Žβ€‹Muli ring isinapuso ang sikat na linya ni Frederick Douglass na "Kapag natutunan mong magbasa, magiging malaya ka magpakailanman," habang idinagdag na,​ "Ang Sakayan Kaalaman ay hindi lamang sakayan ng kaalamanβ€”ito ay sakayan ng pangarap at pag-asa. Habang may batang nangangailangan ng tulong, sama-sama nating tulungan dahil bawat batang patuloy na nangangarap ay may pag-asa."

β€Žβ€‹Ibinahagi naman ni Ustadz Alzad Sattar, Miyembro ng Ulama Council, ang kahalagahan ng literasya at pagbasa sa espiritwal at pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinaalala niya sa mga bata na ang lahat ng pag-unawa at kaalaman ay nagsisimula sa kakayahang bumasa at umunawa.

Si OIC-SDS Dr. Maria Laarni Villanueva (nirepresenta ni Hepe ng SGOD Eduardo Gulang), ay ipinagmalaki ang patuloy na tagumpay ng mga programang pangedukasyon ng Lungsod ng Isabelaβ€”tulad ng ipinamalas sa nakaraang ZPRAAβ€”na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang mga rehiyon sa pag-alalay sa mga mag-aaral na nagnanais pang mapahusay ang kanilang pagbasa.
β€Ž
β€Žβ€‹Tampok din sa palatuntunan ang opisyal na pagpapakilala sa mga boluntaryong tagapagsanay ng programang Youth Space Mentoring sa pamumuno ni Pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) Levinia Jarejolne kasama si Principal Abubakar, na simbolikong tinanggap ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman.
β€Ž
β€Žβ€‹Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Alkalde Turabin-Hataman ang paglalakbay ng programa mula sa Busay, Cabunbata, Kaumpurnah, hanggang sa marating ang Westside. Paalala niya sa mga mag-aaral:
β€Ž
β€Žβ€‹"'Wag ma-discourage dahil iba-iba ang kakayahan sa pagkatuto ng bawat mag-aaral."
β€Ž
β€Žβ€‹Paliwanag ng alkalde, sa loob ng 20 sesyon ng pagbasa ng Sakayan Kaalaman, iba't ibang kaalaman at interactive activities ang inihanda ng mga katuwang na sektor para sa mga bata. Pinasalamatan din niya ang DepEd, mga voluntaryo ng YSMP, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, at ang buong Paaralan ng Westside sa kanilang walang sawang pagsuporta.
β€Ž
β€Žβ€‹Kasunod nito ang masayang pagpapakilala at pamamahagi ng librong "Si Isa at Bela" na pinangunahan ng alkalde, kasama si Principal Abubakar at CIO Mendry-Ann Lim. Mas lalo pang nagningning ang mga mata ng mga bata sa paglabas ng mga mascot na sina 'Isa at Bela' at sa pamimigay ng mga bags ng Sakayan Kaalaman.
β€Ž
β€Žβ€‹Sa pangwakas na pananalita, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si CIO Lim sa lahat ng naging kabahagi, at ipinaalala sa mga mag-aaral na tututukan sila ng Sakayan Kaalaman sa kabuoan ng 20 sesyon ng pagbasa.
β€Ž
β€Žβ€‹Mananatiling nakatuon at nakatutok ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, katuwang ang Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Isabela, sa paghahatid ng mga programang mag-aangat sa antas ng pagbasa ng mga kabataan, dahil sa bawat salitang kanilang natututuhang basahin, mas nagiging maliwanag ang kinabukasan ng lungsod. (Sulat ni S. Angging/Kuha nina KC Galos at M. Sanros, CIO)
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

π— π—šπ—” π—•π—”π—§π—”π—‘π—š π—žπ—”π— π—£π—˜π—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗦π—ͺπ—œπ— π— π—œπ—‘π—š, π—£π—œπ—‘π—”π—šπ— π—”π— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— | Malugod na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-H...
06/08/2026

π— π—šπ—” π—•π—”π—§π—”π—‘π—š π—žπ—”π— π—£π—˜π—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗦π—ͺπ—œπ— π— π—œπ—‘π—š, π—£π—œπ—‘π—”π—šπ— π—”π— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— | Malugod na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga batang manlalangoy na sina Jessel Vianney Sta. Teresa at Muslimin Andami na bumisita sa kanyang tanggapan noong ika-5 ng Agosto matapos ang kanilang matagumpay na paglahok sa PAI Region IX Short Course Swimming Competition na ginanap noong Hulyo 11–12 sa Lungsod ng Dapitan.

Ibinahagi ng mga atleta ang kanilang karanasan sa kompetisyon at ipinakita ang mga medalya at pagkilalang kanilang natanggap. Ipinahayag naman ni Mayor Turabin-Hataman ang kanyang pagbati at paghanga sa kanilang dedikasyon, disiplina, at husay na nagbigay ng karangalan sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Kinilala si Sta. Teresa, Grade 11 ACAD Rivero student ng Basilan National High School (BNHS), bilang Most Outstanding Swimmer (15–16 age category). Nagwagi siya ng gintong medalya sa 50-meter backstroke at 100-meter breaststroke, pilak sa 200-meter breaststroke at 100-meter freestyle, at tansong medalya sa 200-meter individual medley.

Samantala, si Andami ng Tampalan Elementary School ay kinilala bilang Most Outstanding Swimmer (11–12 age category) matapos makamit ang gintong medalya sa 100-meter freestyle at 50-meter breaststroke, pilak sa 100-meter relay individual medley, at tansong medalya sa 200-meter breaststroke at 800-meter freestyle.

Pinuri ni Punong Lungsod Turabin-Hataman ang dalawang atleta at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap sa larangan ng swimming. Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga kabataang atleta na nagsisilbing inspirasyon sa komunidad.

Muling sasabak sina Sta. Teresa at Andami sa PAI Region X Short Course Swimming Competition Leg 2 na gaganapin sa Agosto 8–9 sa Lungsod ng Iligan, kung saan muli nilang kakatawanin ang Basilan at Lungsod ng Isabela.

Kasama rin sa pagbisita ang mga coach at mentors na sina Abdulhan Salapuddin at Arwa Ngiya para kay Sta. Teresa, at Merson Ambali para kay Andami, kasama si BNHS OIC Principal at Division Sports Officer Dr. Arnel Hajan. Naroroon din si CIO Mendry-Ann Lim na nagpakita ng suporta sa mga batang atleta. (Kuha ni M. Santos, CIO)

β€Ž
β€Ž
β€Ž

05/08/2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—›π—”π—£π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—” | π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, π—‘π—”π—‘π—”π—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗑𝗧𝗔 π—‘π—š 𝗔𝗦𝗙

Bagamat umabot na sa 284 ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Lamitan City, nananatiling ligtas ang Lungsod ng Isabela dahil sa mahigpit na meat inspection ng City Veterinary Office at biosecurity measures ng mga hog raiser. Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na bumili lamang sa mga lehitimong pamilihan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang sintomas sa mga baboy upang maprotektahan ang kabuhayan at ekonomiya ng lungsod.

05/08/2026

Address

BCR National Highway
Isabela
7300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639173056350

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Government of Isabela de Basilan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share