21/08/2026
Katuwang ninyo ang GSIS sa pag-abot ng mga pangarap ng inyong mga anak.
Maaaring i-nominate ng mga active GSIS members at mga permanent total disability (PTD) pensioners ang kanilang incoming freshman na anak na naka-enroll sa alinmang GSIS-identified Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) course para sa GSIS Subsidy for STEM Program (GSSP).
Makatatanggap ng ₱15,000 subsidy kada school year ang 1,000 scholars.
Mag-apply hanggang Agosto 31, 2026. Bisitahin ang GSIS website para sa mga detalye at application form.