21/04/2026
๐ป๐ฐ๐ต๐ฎ๐ต๐จ๐ต:
Noong Abril 21, 2026, matagumpay na isinagawa ang isang Information, Education, and Communication (IEC)/Advocacy on Child-Related Laws sa Sitio Nakan, Barangay Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ang aktibidad ay inilaan para sa komunidad ng Indigenous Peoples (IP) at sa mga mamamayan ng Barangay. Isinagawa ito sa tulong at suporta ni Hon. Elizer B**g David Segura, Municipal Mayor ng Munisipalidad ng Bagumbayan, sa pamamagitan ni Hon. Bai Zuherra Barrios Nor, RN, at sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) โ Sultan Kudarat.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at pag-unawa sa mga batas na may kinalaman sa mga bata, lalo na sa pagtataguyod ng kanilang karapatan, proteksyon, at kapakanan, kabilang ang mga batang kabilang sa Indigenous Peoples at sa mga mamamayan ng Barangay. Isa sa mga pangunahing batas na tinalakay ay ang ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐จ. ๐๐๐๐๐, ๐จ โ๐๐ง ๐๐๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ก๐ข๐๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐๐ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ซ๐ซ๐ข๐๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐๐ก๐๐ซ๐๐จ๐.โ
Taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa aming Resource Speaker na si Atty. Hanna Pearl D. Villa-Agustin, Provincial Officer ng NCIP โ Sultan Kudarat, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at mahahalagang pananaw.
Mehagtay!