πš‚π™Ίπ™Ώπ™·-π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™΄πšπšžπšŒπšŠπšπš’πš˜πš— πšŠπš—πš π™Ώπš›πš˜πš–πš˜πšπš’πš˜πš—

  • Home
  • Philippines
  • Isulan
  • πš‚π™Ίπ™Ώπ™·-π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™΄πšπšžπšŒπšŠπšπš’πš˜πš— πšŠπš—πš π™Ώπš›πš˜πš–πš˜πšπš’πš˜πš—

πš‚π™Ίπ™Ώπ™·-π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™΄πšπšžπšŒπšŠπšπš’πš˜πš— πšŠπš—πš π™Ώπš›πš˜πš–πš˜πšπš’πš˜πš— SKPH Health Education and Promotion

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗Bakit mahalaga ang exclu...
03/08/2026

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
βœ”οΈ Kumpleto sa nutrisyon
βœ”οΈ May panlaban sa sakit
βœ”οΈ Libre, laging handa, at mas ligtas para kay baby

βœ… Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan
βœ… Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magsimula ng masustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas
βœ… Tiyaking nakakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs





DOH: IHANDA ANG FIRST AID KIT SA INYONG EMERGENCY GO BAGSa panahon ng pag-ulan mahalagang laging may handang First Aid K...
03/08/2026

DOH: IHANDA ANG FIRST AID KIT SA INYONG EMERGENCY GO BAG

Sa panahon ng pag-ulan mahalagang laging may handang First Aid Kit sa tahanan at sa inyong Emergency Go Bag.

Tiyaking nasa inyong First Aid Kit ang sumusunod:
βœ… Alcohol
βœ… Adhesive bandages (para sa sugat)
βœ… Elastic bandage (para sa pilay)
βœ… Povidone-Iodine
βœ… Ointment sa sugat
βœ… Medical tape
βœ… Maliit na gunting
βœ… Face mask
βœ… Disposable gloves

Paalala: Laging suriin ang expiration date ng mga gamot at palitan ang mga nagamit na kagamitan.



Mas maraming Pilipino na ang ligtas sa sakit dahil sa pinalawak na YAKAP at GAMOT Program, alinsunod sa direktiba ni Pan...
03/08/2026

Mas maraming Pilipino na ang ligtas sa sakit dahil sa pinalawak na YAKAP at GAMOT Program, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas accessible ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

DOH: Sundin ang Tatlong Simpleng Hakbang para Maprotektahan ang Sarili at Pamilya Laban sa HepatitisAng Hepatitis ay maa...
03/08/2026

DOH: Sundin ang Tatlong Simpleng Hakbang para Maprotektahan ang Sarili at Pamilya Laban sa Hepatitis

Ang Hepatitis ay maaaring maiwasan at makontrol sa pamamagitan ng tamang pag-iwas, maagang pagpapasuri, at tamang gamutan. Sundin ang tatlong simpleng hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili at pamilya:

Magpabakuna laban sa Hepatitis B.
Magpasuri para sa Hepatitis B, lalo na kung ikaw ay buntis bilang bahagi ng antenatal check-up.
Magpagamot at magpatingin nang regular kung ikaw ay may chronic Hepatitis B.

Bumisita sa pinakamalapit na health center para sa pagsusuri, pagbabakuna, at tamang gamutan.





’sBreakItDown

DOH: PrEP UP! Piliin ang Combination Prevention Laban sa HIVMas epektibong mapoprotektahan ang sarili laban sa HIV sa pa...
03/08/2026

DOH: PrEP UP! Piliin ang Combination Prevention Laban sa HIV

Mas epektibong mapoprotektahan ang sarili laban sa HIV sa pamamagitan ng HIV combination prevention. Maaaring kabilang dito ang regular na HIV testing, paggamit ng condom at lubricant, PrEP, at tuloy-tuloy na paggamot kung ikaw ay may HIV.

Alamin ang iyong HIV status at kumonsulta sa pinakamalapit na health center o HIV treatment facility upang malaman ang angkop na HIV prevention option para sa iyo.





=U

DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULANSa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa...
03/08/2026

DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULAN

Sa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa loob at labas ng PAR. Dala nito ang malalakas na ulan pwedeng magdulot ng biglaang pagbaha o flash flood sa ilang lugar.

'Pag nasa panganib, ipinapaalala ng DOH na:

βœ… Lumikas agad at sumunod sa abiso ng barangay o LGU, lalo na kung nakatira sa tabing-ilog o dagat.
βœ… Ilayo ang mga bata sa baha, kanal, sapa, at ilog.
βœ… β€˜Wag tumawid, maglakad, o magmaneho sa rumaragasang baha.
βœ… Mag-ingat sa mga butas sa kalsada at kapag naglalakad sa gilid ng mga ilog o sapa.
βœ… Iwasan ang pag-inom at pagbebenta ng alak.
βœ… Gumamit ng salbabida o mga gamit na maaaring magpalutang kung hindi maiiwasan lumusong sa baha.

Kung may nalulunod, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o sa local emergency hotline. Kung ligtas itong gawin, magsagawa ng hands-only CPR habang naghihintay ng tulong.

’Wag lumusong sa baha. Buhay mo ang nakataya.




DOH: Iwasan ang Bulate, Gawin ang W.O.R.M.S.!Paano protektahan ang sarili at pamilya laban sa soil-transmitted helminth ...
03/08/2026

DOH: Iwasan ang Bulate, Gawin ang W.O.R.M.S.!

Paano protektahan ang sarili at pamilya laban sa soil-transmitted helminth (STH) infections? Tandaan ang W.O.R.M.S.:

W – Wash hands
O – Observe proper use of toilet
R – Reduce exposure to unwashed, uncooked, at undercooked foods
M – Mass deworming o magpurga
S – Slippers/Shoes



03/08/2026

DOH, NAIPAMAHAGI NA ANG MAHIGIT 400K BOTE NG GAMOT PARA SA HIV

Detalye sa comment section.

03/08/2026

2 SA BAWAT 10 PILIPINO ANG MAY ALLERGY, MGA BATANG PINOY KABILANG SA PINAKAMATAAS ANG KASO SA SOUTHEAST ASIA

Ayon sa Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology (PSAAI), laganap ang iba't ibang uri ng allergy sa bansa, partikular na sa mga pagkain tulad ng shellfish at mga environmental triggers gaya ng alikabok. Maiiwasan ang matinding panganib ng anaphylaxis sa pamamagitan ng maagang pagkilala sa mga sintomas at pagtiyak na laging may dalang tamang gamot.

Tandaan: Sa oras ng matinding emergency at sintomas ng anaphylaxis, huwag mag-atubiling tumawag agad sa national emergency hotline o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

National Emergency Hotline: 911




DOH: Panatilihing Kontrolado ang Blood Sugar Para Maiwasan ang mga KomplikasyonAng diabetes ay maaaring magdulot ng mga ...
03/08/2026

DOH: Panatilihing Kontrolado ang Blood Sugar Para Maiwasan ang mga Komplikasyon

Ang diabetes ay maaaring magdulot ng mga seryosong komplikasyon tulad ng sakit sa puso, pagkasira ng bato, at pagkabulag.

Kaya mahalagang mapanatiling kontrolado ang blood sugar upang maiwasan ang mga ito. Kumain ng masustansyang pagkain, regular na mag-ehersisyo, inumin ang maintenance na gamot ayon sa payo ng doktor, at regular na magpakonsulta sa inyong healthcare provider.

Magtungo sa pinakamalapit na health center upang magpa-diabe-TEST.



Address

Isulan
9805

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when πš‚π™Ίπ™Ώπ™·-π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™΄πšπšžπšŒπšŠπšπš’πš˜πš— πšŠπš—πš π™Ώπš›πš˜πš–πš˜πšπš’πš˜πš— posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share