03/09/2026
๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ง ๐ง๐๐๐ก๐ ๐ฌ๐ข๐จ ๐ง๐ข ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐๐ข๐ข๐ ๐๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐ฆ
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng blood donors ng Barangay Kalawag III na patuloy na nagbibigay ng dugo sa aming mga blood-letting activities. Dahil sa inyong kabutihan at malasakit, mas maraming buhay ang ating natutulungan at naliligtas.
Ang Sandugo Awards 2026 โ Top Performing Barangay at ang pagkilala sa ating barangay sa pagkamit ng 1% Blood Donation Rate for 2025 ay tagumpay nating lahat. Maraming salamat sa bawat donor, volunteer, BHWs, at sa lahat ng tumulong at sumuporta sa ating programa. Mula po sa Committee on Health, maraming maraming salamat sa inyong malasakit at kabutihang-loob! Patuloy po tayong magbigay ng dugo at tumulong sa ating kapwa.
Maraming Salamat po!