16/05/2026
Ang Pamahalaang Barangay ng Dampulan ay taos-pusong nagpapasalamat sa isinagawang pagbebenta ng ₱20.00 na bigas kahapon para sa ating mga kabarangay.
Lubos po ang aming pasasalamat kina Hon.Gov Aurelio “Oyie” Umali at Hon. Vice Gov. Lemon Umali sa kanilang suporta at programa na naglalayong makatulong sa ating mga mamamayan. Ang inyong malasakit at serbisyo ay malaking tulong sa ating komunidad.
Nagpapasalamat din po kami sa lahat ng Bantay Bayan at Barangay Health Workers (BHW) sa inyong dedikasyon, pakikiisa, at pagtulong programa.
Isang espesyal na pasasalamat din kina Secretary Dustin Hudson, Anthony Burayag, at sa aking maybahay na si Connie Alfaro sa paghahanda ng masarap na pagkain para sa mga staff ng Kapitolyo at ng Barangay. Ang inyong suporta at malasakit ay malaking bahagi ng gawaing ito.
Sa lahat ng nakiisa at tumulong, maraming salamat po sa inyong oras, serbisyo, at walang sawang suporta. Nawa’y patuloy tayong magkaisa para sa ikauunlad at kapakanan ng ating barangay.