04/04/2025
Suportahan Natin si Kapitan Jimmy Barioga!
Sa darating na halalan, piliin natin ang lider na may tunay na malasakit at dedikasyon sa serbisyo—si Kapitan Jimmy Barioga ng Barangay Niyugan, Jaen, tumatakbong Konsehal ng Bayan bilang Number 5 sa balota.
✅ May Paninindigan sa Serbisyong Tapat, Sapat para sa Lahat!
Si Kapitan Jimmy ay kilala sa kanyang matapat at maaasahang pamumuno—isang lider na laging nandiyan para sa kanyang nasasakupan. Ang kanyang layunin ay maghatid ng serbisyong may puso, sapat para sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
👉 Sa Mayo 12, 2025, isulat ang pangalan ni Kapitan Jimmy Barioga at ihshade ang Number 5 sa balota!
Bigyan natin ng pagkakataon ang isang lider na may malasakit at determinasyong maglingkod nang tapat sa ating bayan!