08/09/2026
๐ต๐ญ Para sa Kapakanan ng Ating Lokal na Negosyante
Ang ating Butihing Mayor Nhel C. Montano,CPA kasama ang ating Business Permit and Licensing Office (BPLO), ay nagtungo sa Barangay Linomot upang pansamantalang pigilan ang operasyon ng mga dayuhang reaper/harvester na nagsasagawa ng kanilang gawain sa ating bayan na walang kaukulang permit.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng ating Punong Bayan na maprotektahan at matulungan ang ating mga lokal na harvester owner na mabawi ang kanilang puhunan at mapanatili ang patas na oportunidad para sa ating mga kababayan.
Habang patuloy nating inaayos at sinusuri ang ating Revenue Code, partikular ang mga probisyon hinggil sa mga dayuhang negosyante na pumapasok at nagsasagawa ng operasyon sa ating bayan, layunin ng ating lokal na pamahalaan na magkaroon ng maayos, patas, at makatarungang sistema para sa lahat. Saludo po kami sa mga Opisyales ng Barangay Linomot na tumulong sa atin upang maaksyunan naten ng maayos ang naturang problema.
๐ค Para sa lokal na negosyo. Para sa ating mga kababayan. Para sa mas maunlad na Bayan ng Jones.๐ฉต๐ฉต