14/08/2026
ALAM MO BA?
Mahigpit na ipinagbabawal sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang anumang uri ng pagsusugal, kabilang ang online gambling. Ang mga mapatutunayang lumalabag ay maaaring matanggal sa programa matapos ang balidasyon.
Iulat ang mga ganitong kaso sa inyong 4Ps Municipal Link sa pamamagitan ng Grievance Redress System (GRS). Tiyaking may sapat na impormasyon at ebidensya ang inyong reklamo.