04/02/2026
Inamin ni Mariel Padilla na wala sa kanilang plano ang muling pagpasok sa politika pagsapit ng 2028. Ayon sa kanya, may mga pagkakataong napapaisip siya kung mas makabubuting matapos na lamang ang termino ng kanyang asawa bilang senador.
Ibinahagi rin ni Mariel na minsan, kapag may mga pahayag na nailalabas na nagiging out of context, napapaisip siya at nasasabi sa sarili ang linyang, “I feel na they don’t deserve him.” Aniya, may mga sandaling ganito ang kanyang nararamdaman.
Dagdag pa niya, “Minsan napapaisip ako na tapusin na lang [termino bilang senador] or sometimes kapag may nasabi na out of context na parang I feel na ‘they don’t deserve him’ may mga ganu’n ako.”