Public Information Office - Jose Panganiban

Public Information Office - Jose Panganiban The official page of the Public Information Office - Jose Panganiban.

Like and follow to get the latest updates and news alerts from your local government.



MAYOR’S CUP VOLLEYBALL TOURNAMENT 🏐MEN’S CATEGORY🔥 Calling all volleyball players and enthusiasts of Jose Panganiban! 🔥G...
03/09/2026

MAYOR’S CUP VOLLEYBALL TOURNAMENT 🏐

MEN’S CATEGORY

🔥 Calling all volleyball players and enthusiasts of Jose Panganiban! 🔥

Get ready to showcase your skills, passion, teamwork, and competitive spirit as we kick off the Mayor’s Cup Volleyball Tournament – Men’s Category! 💪🏐

📅 TOURNAMENT OPENING:
September 19, 2026

But before the games begin, it’s time to earn your spot!

🏐 PLAYER DRAFTING & TEAM SELECTION / OFFICIAL TRYOUTS

📅 SEPTEMBER 6, 2026 (SUNDAY)
📍 Brgy. Parang Covered Court
⏰ 9:00 AM – 4:00 PM

📅 SEPTEMBER 7, 2026 (MONDAY)
📍 Brgy. Bagong Bayan Covered Court
⏰ 6:00 PM – 9:00 PM

📣 EVERYONE IS WELCOME!
No age limit! Whether you’re an experienced player or simply passionate about volleyball, you are invited to join and show us what you’ve got! 🏐🔥

⚠️ IMPORTANT REMINDER:
Players who do not attend and participate in the official tryouts will NOT be included in the draw lots/team selection following the tryouts.

This is your chance to compete, represent, make new teammates, and be part of an exciting volleyball tournament for the community! 🙌🏐

Your presence, participation, and support are highly appreciated.

🔥 SEE YOU ON THE COURT!
💪🏐 LET THE GAMES BEGIN! 🏆🔥

UNANG MAMBULAO SPRINT DUATHLON CHALLENGE NGAYONG SA FIESTA MAMBULAO; MGA KALAHOK, MAAARI NANG MAGPAREHISTRO!JOSE PANGANI...
29/08/2026

UNANG MAMBULAO SPRINT DUATHLON CHALLENGE NGAYONG SA FIESTA MAMBULAO; MGA KALAHOK, MAAARI NANG MAGPAREHISTRO!

JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE — Gaganapin ngayong October 4, 2026 ang kauna-unahang Mambulao Sprint Duathlon Jose Panganiban. Pangungunahan ito ng LGU - Jose Panganiban sa pamumuno ni Mayor Ariel M. Non katuwang ang Camarines Norte Tri-Team at ng Committee Chairman na si Coun. Cheska Napa.

Magsisimula ang race sa ganap na 6:00 AM at binubuo ito ng 3KM Run, 20KM Bike, at 5KM Run. Mountain bikes lamang ang papayagan sa cycling portion ng event.

Kabilang sa mga categories ang Elite Male, Male Age Categories, Female Age Categories, at Relay Category, na binubuo ng isang runner at isang cyclist. Mayroon ding cash prizes, surprise awards, at raffle prizes para sa mga participants.

Bukas ang event sa runners, cyclists, at fitness enthusiasts na nais sumubok sa isang multi-sport challenge.

Ang mga interesado ay maaaring mag-register online sa https://forms.gle/cyML65jJoEv1nXHv6.

OPENING NG MAYOR'S CUP 2026 BUKAS NA! PBA STARS AT VLOGGERS AABANGAN SA EXHIBITION GAME!Bilang bahagi ng Town Fiesta Mam...
28/08/2026

OPENING NG MAYOR'S CUP 2026 BUKAS NA! PBA STARS AT VLOGGERS AABANGAN SA EXHIBITION GAME!

Bilang bahagi ng Town Fiesta Mambulao 2026, mula sa LGU - Jose Panganiban sa pamumuno ni Mayor Ariel M. Non at pakikipagtulungan ng Basketball Committee sa pangangasiwa ni Coun. Jason Arriola ay magpapasiklab ang dalawang inaabangang grupo sa Exhibition Game: ang Team Piokers at ang Team Kauntol, na gaganapin sa bukas, Sabado, ika-29 ng Agosto 2026, ganap na ika-7:00 ng gabi sa Roy Padilla Memorial Stadium.

Magkakaroon ng parada ng mga Teams kasama ang kanikanilang mga Muses na susundan ng isang Opening Program kasama ang buong Basketball Community at mga manonood.

Inaanyayahan ang bawat Mambuleño na tunghayan ang paglalaro ng mga kilalang atleta kabilang na ang mga aktibong manlalaro ng PBA na sina Beau Belga, Japet Aguilar, at Jhonard Clarito mula sa koponan ng Rain or Shine. Halina’t saksihan ang galing at diwa ng pagkakaisa sa pagbubukas ng Mayor’s Cup — isang programa para sa bawat MANlalaro ng Jose Panganiban!

MAGING LIGTAS SA TIGDAS! MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION PROGRAM PARA SA MGA BATANG 6 - 59 MONTHS TULOY PA RIN...
25/08/2026

MAGING LIGTAS SA TIGDAS! MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION PROGRAM PARA SA MGA BATANG 6 - 59 MONTHS TULOY PA RIN!

Sa pangunguna ng Municipal Health Office, sa ilalim ng pangangasiwa ni Dra. Melody S. Bulawan ay inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na may edad na 6 to 59 months old sa mga itinakdang vaccination sites sa bawat Barangay ng Jose Panganiban.

Ang aktibidad ay isinasagawa ng Department of Health alinsunod sa programang Ligtas-Tigdas sa pamamagitan ng MR-SIA o Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, na naglalayong bigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bata laban sa tigdas at rubella.

Hanggang August 28, 2026 ay maaaring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga Barangay Vaccination Sites o di kaya naman ay magtingo sa RHU 1 at 2 para mabakunahan.

Layunin ng LGU - Jose Panganiban at ng Municipal Health Office na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng bawat bata sa Jose Panganiban. Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libre para sa lahat.

MAMBULAO CHILDREN’S PARK MAY BAGONG PLAYGROUND EQUIPMENTS NA! PATULOY NA DINARAGSA NG MGA BATA! 🛝👧👦Dinagsa ng mga bata a...
22/08/2026

MAMBULAO CHILDREN’S PARK MAY BAGONG PLAYGROUND EQUIPMENTS NA! PATULOY NA DINARAGSA NG MGA BATA! 🛝👧👦

Dinagsa ng mga bata ang Mambulao Children’s Park nang buksan ang mga bagong playground equipments, na naghatid ng dagdag na saya sa mga kabataan.

Hangad ni Mayor Ariel M. Non na maging masaya ang mga bata at magkaroon sila ng maayos at ligtas na lugar para maglaro. Ang Mambulao Children’s Park ay ipinagawa ng LGU–Jose Panganiban bilang bahagi ng mga programang para sa kapakanan ng mga kabataan.

Ang mga bagong playground equipments ay ipinagkaloob ng World Vision at pormal na itinurn-over sa LGU. Isinagawa rin ang Blessing and Ribbon Cutting Ceremony, na dinaluhan ng mga National Executives ng World Vision at mga Opisyal ng Pamahalaang Bayan.

Patuloy ang LGU–Jose Panganiban, sa pangunguna ni Mayor Non, sa paglalaan ng mga pasilidad na nagbibigay ng saya at benepisyo sa mga kabataan.

HATID NG COUPLES FOR CHRIST CAMARINES NORTE: BASKETBALL, SAMAHAN AT PAGKAKAISA, MAMAYA NA!Isang kapana-panabik na gabi n...
17/08/2026

HATID NG COUPLES FOR CHRIST CAMARINES NORTE: BASKETBALL, SAMAHAN AT PAGKAKAISA, MAMAYA NA!

Isang kapana-panabik na gabi ng basketball ang hatid ng Couples for Christ Camarines Norte ngayong August 17, 2026, sa Roy Padilla Sr. Memorial Stadium, katuwang ang LGU–Jose Panganiban sa pangunguna ni Mayor Ariel M. Non.

Tampok sa espesyal na pagtitipon ang isang Exhibition Basketball Game, na magiging mas espesyal sa pamamagitan ng special appearance ng PBA star na si Japeth Aguilar.

Narito ang tatlong exciting matchups na tiyak na aabangan ng mga basketball fans:

🏀 Game 1: Singles for Christ vs. Holy Trinity College
🏀 Game 2: Couples for Christ West B vs. Diocese of Daet Clergy
🏀 Game 3: Couples for Christ East and West A vs. LGU–Jose Panganiban

Higit pa sa kompetisyon, ang bawat laro ay pagkakataon upang pagtibayin ang sportsmanship, pagkakaibigan, at pagkakaisa. Sa pagtutulungan ng Couples for Christ at LGU–Jose Panganiban, ang proceeds ng laro ay mapupunta sa mga pangangailangan ng mga semenarista.

Kaya tara na at makiisa sa isang gabing puno ng basketball, saya at inspirasyon!

Hatid ng Couples for Christ Camarines Norte, katuwang ang LGU–Jose Panganiban — para sa mas masigla at nagkakaisang komunidad. 🏀❤️

JOSE PANGANIBAN MPS, TOP 1 SA BUONG CAMARINES NORTE PAGDATING SA ADMINISTRATIVE PERFORMANCE NGAYONG JULY 2026!Nagpaabot ...
12/08/2026

JOSE PANGANIBAN MPS, TOP 1 SA BUONG CAMARINES NORTE PAGDATING SA ADMINISTRATIVE PERFORMANCE NGAYONG JULY 2026!

Nagpaabot ng pagbati at pagkilala ang LGU - Jose Panganiban sa pamumuno ni Mayor Ariel M. Non sa maayos na pamamalakad sa Police Station ni PMAJ Kevin Estilles kasama ang buong puwersa ng ating kapulisan.

Muling pinatunayan ng Jose Panganiban Municipal Police Station ang kanilang kahusayan sa pagiging TOP 1 sa buong Camarines Norte pagdating sa Administrative Performance para sa buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ang nasabing parangal ay bunga ng masusing pagsasagawa ng mga pulis ng kanilang mga tungkulin, maayos na pamamalakad sa mga operasyon, at pagpapahalaga sa mga gawaing pang-administratibo sa kanilang himpilan.

Ang tagumpay na ito ay isang patunay na ang buong pangkat ng Jose Panganiban Municipal Police Station ay nananatiling nakatutok sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng bawat Mambuleño.

PANGMALAKASANG BASKETBALL TOURNAMENT SA JOSE PANGANIBAN, MAGSISIMULA NA!Narito na ang pinakahihintay na Mayor's Cup Bask...
12/08/2026

PANGMALAKASANG BASKETBALL TOURNAMENT SA JOSE PANGANIBAN, MAGSISIMULA NA!

Narito na ang pinakahihintay na Mayor's Cup Basketball Tournament sa Jose Panganiban bilang bahagi ng Fiesta Mambulao 2026!

Masayang panoorin para sa mga Mambuleño ang hatid ni Mayor Ariel M. Non at ng buong Basketball Committee sa pangunguna ni Coun. Jason Arriola katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation.

Isang paligsahang magpapakita ng galing sa pagshoot ng bola, sportsmanship, at maayos na samahan sa pagitan ng mga manlalaro.

Apat ang kategorya na maaaring salihan ng mga interesadong kalahok:
🏀Midget Division
🏀Inter-Barangay Division
🏀Balik-Bola Division

Bukod dito, mayroon ding mga espesyal na parangal na ipagkakaloob sa Best Muse at Best in Uniform na gaganapin sa opening ceremony.

Ang huling araw ng pagpaparehistro ay sa Agosto 22, 2026 at maaaring kunin ang Official Entry Forms sa Mayor's Office o hanapin si Coun. Jason Arriola at SK Fed. President Renwil Capones.

Ang Opening Ceremony ay gaganapin sa Sabado, Agugust 29, 2026, sa Roy Padilla Sr. Memorial Stadium.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na contact number: Hon. Jason Arriola— 0908-815-0722 o
Mark Defeo— 0915-973-2723.

Nakipag-ugnayan ang Land Transportation Office (LTO) sa Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban upang ipabatid na hindi m...
11/08/2026

Nakipag-ugnayan ang Land Transportation Office (LTO) sa Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban upang ipabatid na hindi matutuloy ang kanilang Outreach Program na gaganapin sa darating na Agosto 12 hanggang 14, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na mag-antabay sa mga susunod na anunsyo at abiso upang malaman ang bagong iskedyul at iba pang kaugnay na impormasyon tungkol sa nasabing programa.

OWWA RELIEF ASSISTANCE DISTRIBUTION PARA SA MGA AKTIBO AT DI-AKTIBONG OFWsIpinapaabot ng LGU - Jose Panganiban sa lahat ...
03/08/2026

OWWA RELIEF ASSISTANCE DISTRIBUTION PARA SA MGA AKTIBO AT DI-AKTIBONG OFWs

Ipinapaabot ng LGU - Jose Panganiban sa lahat ng aktibo at di-aktibong OFWs na darating ang mga kinatawan ng OWWA upang magsagawa ng Relief Assistance Distribution.

📅 Petsa: Agosto 4, 2026 (Martes)
🕗 Oras: 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: JOMAPA Convention Center

Address

Vinzons Street, North Poblacion
Jose Panganiban
4606

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office - Jose Panganiban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Information Office - Jose Panganiban:

Shortcuts

Share