20/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Naiulat sa Sangguniang Bayan sa naganap na ika-55 Regular Sesyon Agosto 18, 2026 ang mga insidente ng kagat ng a*o sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Dahil dito, agad na nagpatawag ng pulong ang Committee Chairman on Agriculture and Fisheries, katuwang ang Committee on Health and Sanitation, sa pangunguna nina Vice Mayor Casimero B. Padilla Jr., at Committee Chairman ng pinagsamang komitiba Councilor Ariel E. Villaflores at Councilor Francesca Angela S. Napa, kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Health Office (MHO).
Masusing pinag-usapan ang mga naiulat na insidente ng kagat ng a*o sa ibaโt ibang barangay at napansin ang pagtaas ng bilang ng mga nakagat. Dahil dito, nagsagawa ng mga kaukulang hakbang upang mabawasan ang ganitong insidente, maiwasan ang pagkalat ng rabies, at mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan.
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
Hinihikayat ang lahat ng pet owners na regular na pabakunahan laban sa rabies ang kanilang mga a*o, iparehistro ang mga ito, at tiyaking hindi basta-basta gumagala sa mga pampublikong lugar.
Alinsunod sa ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐จ. 9482 ๐จ ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐๐ญ ๐จ๐ 2007, tungkulin ng mga may-ari ng a*o na iparehistro at regular na pabakunahan ang kanilang mga alaga laban sa rabies, gayundin ang maayos na pagkontrol sa mga ito upang maiwasan ang mga insidente ng kagat at maprotektahan ang kaligtasan ng komunidad.
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Ang mga may-ari ng a*ong nakakagat ay may mga obligasyong itinakda ng batas, kabilang ang pakikipagtulungan sa observation ng a*o, pagpapabakuna nito kung kinakailangan, at pagtulong sa mga gastusing may kaugnayan sa insidente, alinsunod sa batas.
May kaukulang penalties para sa mga pet owner na hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon, kabilang ang hindi pagpaparehistro at pagpapabakuna ng a*o, pagtangging ipa-observe ang a*ong nakakagat, at hindi pagtulong sa gastusing medikal ng biktima.
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Hinihikayat ng Sangguniang Bayan ang lahat ng may-ari ng a*o na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga alaga. Siguraduhing bakunado laban sa rabies, nakarehistro, at maayos na nakokontrol ang mga a*o upang maiwasan ang mga insidente ng kagat o kalmot.
Pag-ingatin din ang mga bata, lalo na sa mga lugar na may mga a*ong gala o hindi nila kilala. Turuan silang huwag basta lumapit, mang-asar, humawak, o mang-abala ng mga a*o upang hindi mauwi sa kagat o kalmot.
Kung may mangyaring kagat o kalmot ng a*o, huwag itong ipagsawalang-bahala. Agad na hugasan at linisin ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig, at magtungo sa pinakamalapit na Health Center o Animal Bite Treatment Center (ABTC) para sa tamang pagsusuri at kinakailangang bakuna.