07/08/2026
07 Agosto 2026 | Family Development Session(FDS) ukol sa Kamalayan sa Kaligtasan sa Sunog at Kahandaan sa Sakuna
SA MGA LARAWAN || Sa ilalim ng pamumuno ni FCSUPT JUNITO F MASLANG, DSC, Regional Director ng BFP Region V, at sa pangangasiwa ni FSUPT JERICKSON P MIRAFLOR, DSC, Provincial Fire Marshal ng Albay, matagumpay na nagsagawa ang mga personnel ng BFP Jovellar Fire Station, sa pamumuno ni SFO3 Ruth A Ramos, Officer-in-Charge, ng Family Development Session (FDS) tungkol sa Kamalayan sa Kaligtasan sa Sunog at Kahandaan sa Sakuna para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ginanap sa Brgy. Calzada, Jovellar, Albay, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Advisory Committee (MAC) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa tamang pag-iwas sa sunog at wastong paghahanda sa panahon ng sakuna. Sa pamamagitan nito, mas magiging handa ang bawat pamilya sa pagtugon sa mga emerhensiya at makatutulong sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas matatag na komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya at pagsasagawa ng mga programang pang-edukasyon, nananatiling tapat ang BFP Jovellar Fire Station sa misyon nitong mapalawak ang kamalayan ng publiko at makabuo ng mga pamayanang handa, ligtas, at may pananagutan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat isa.
π¨ Para sa sunog at iba pang kaugnay na emerhensiya, makipag-ugnayan sa BFP Jovellar Fire Station sa pamamagitan ng mga sumusunod na hotline numbers:
π 0998-577-7022
π 0939-133-2763
π 0920-944-2507
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Manatiling ligtas at laging maging handa! π¨βππ