Juban Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office

Juban Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office The Official page of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office of Juban

Ngayong araw, Hunyo 3, 2026, bumisita ang mga tauhan ng DA-PRDP kasama ang Provincial Agricultural and Biosystems Engine...
03/06/2026

Ngayong araw, Hunyo 3, 2026, bumisita ang mga tauhan ng DA-PRDP kasama ang Provincial Agricultural and Biosystems Engineer na si Engr. Hiroshi De Vera at ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office upang magsagawa ng site-validation sa mga iminungkahing proyektong irigasyon sa mga barangay ng Taboc at Guruyan, Juban, Sorsogon.

Ginanap ang naturang aktibidad upang masiguro ang kaangkupan ng mga proyektong imprastraktura sa mga lugar na pagtatayuan.

Ang hangarin na maiangat ang antas ng kabuhayan, at dignidad ng mga magsasakang Jubangnon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng malakas at maayos na imprastrukturang patubig sa mga lupang sakahan ay patuloy na sinusoportahan ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office at ng Lokal na Pamahalaan ng Juban sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rogel "Botox" Fulleros.

Upang manatiling updated sa mga balita patungkol sa mga kaganapan sa Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office, maaaring i-follow ang aming page.

Farming is no longer just about hard manual labor — it’s also about working smarter. Agricultural mechanization helps fa...
09/05/2026

Farming is no longer just about hard manual labor — it’s also about working smarter. Agricultural mechanization helps farmers 👨‍🌾 use modern machines and equipment to make farming faster, easier, and more productive. From tractors 🚜 and harvesters to irrigation pumps and threshers, these tools help farmers save time, reduce effort, and increase crop production.

Mechanization ⚙️ also helps solve problems like labor shortages, delayed harvesting, and post-harvest losses. With better technology, farmers can grow more food, earn better income, and keep up with the growing demand for agriculture in today’s generation🌾.

Tingnan: Nagkaroon ng Re-validation ang DA-PhilMech kaisa ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office s...
05/05/2026

Tingnan: Nagkaroon ng Re-validation ang DA-PhilMech kaisa ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office sa mga asosasyon na mayroong farm machinery request sa kanilang tanggapan noong Abril 15, 2026.

Ginanap ang naturang aktibidad sa barangay Catanagan, at Sitio Tampi, Binanuahan, Juban, Sorsogon na dinaluhan ng mga miyembro ng Catanagan Farmer Irrigators Association Inc., at Binanuahan-Tampi Irrigators Association Inc.

Isinagawa ang ganitong aktibidad upang masigurado na ang mga hinihingi na makinarya pang agrikultura ng mga asosasyon ay naaayon sa kagustuhan ng nakararami hindi lamang ng mga opisyal ng mga naturang asosasyon.

Ang suporta ng Lokal na pamahalaan ng Juban sa mga ganitong aktibidad ay nakaangkla sa mga layunin ng pamumuno ni Hon. Mayor Rogel "Botox" B. Fulleros na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mekanisasyon.

Tingnan!Kasalukuyang nagkakaroon ng land prepping operation ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering - Farm...
19/03/2026

Tingnan!

Kasalukuyang nagkakaroon ng land prepping operation ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering - Farm Machinery Services Section sa Barangay Taboc.

Ang programang pang-agrikultura tulad ng murang farm machinery services ay naka angkla sa hangarin ng pamahalaang bayan ng Juban na pinangununahan ni Mayor Rogel "Botox" B. Fulleros na mapadali at mabawasan ang gastos ng ating mga magsasaka upang maiangat ang kanilang kabuhayan maging ang kanilang dignidad sa kanilang propesyon.

Sa mga nais magpa iskedyul ng farm machinery services, narito ang kasalukuyang taripa:

Four-wheel tractor: 300php/hr
Rice combine harvester: 12:1
Recirculating dryer: 0.50php per kg

Makipag ugnayan lamang sa opisina sa karagdagang impormasyon.

Abiso!Sa lahat ng kliyente ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office, ang opisina ay bukas mula 7:00 n...
16/03/2026

Abiso!

Sa lahat ng kliyente ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office, ang opisina ay bukas mula 7:00 ng umaga hangang 6:00 ng hapon sa araw ng Lunes hangang Huwebes. Ang opisina naman ay sarado mula Byernes hangang Linggo.

Ang pagbabago sa iskedyul ay alinsunod sa pinalabas na Executive Order ng Office of the Municipal Mayor. Layunin nito na makatipid sa kuryente, mabawasan ang paggamit ng pribado at mga sasakyan na pag aari ng lokal na gobyerno ng Juban.

Ang ganitong pagbabago ay supporta ng Lokal na pamahalaan ng Juban sa pangunguna na Mayor Rogel "Botox" B. Fulleros sa inisyatiba ng Pamahalaang Nasyonal na mabawasan ang "energy footprint" ng mga opisina ng gobyerno na hindi naaapektuhan ang kalidad ng serbisyo publiko.

Maraming salamat sa pag-unawa. Dios mabalos saindo gabos.

PUBLIC ANNOUNCEMENT!!

OPISINA AT ILANG MGA SERBISYO SA MUNISIPYO, APAT NA ARAW NA LANG MULA LUNES HANGGANG HUWEBES AT MULA ALAS SIETE NG UMAGA HANGGANG ALAS SAIS NA NG HAPON.

Inaanunsyo po ng Lokal na Pamahalaan ng Juban na mula sa araw na ito, Lunes, petsa 16 ng Marso at ng taong kasalukuyan, ay bukas na ang mga Tanggapan ng Juban LGU mula alas - 7 ng Umaga hanggang alas - 6 ng hapon (7:00 am - 6:00 pm). At ito ay apat na araw na gagawin mula Lunes hanggang Huwebes. (Monday - Thursday)

Ang bagong skedyul na ito ng trabaho at oras sa LGU Juban ay alinsunod sa Executive Order o EO No. 08, Series of 2026 na ipinalabas at nilagdaan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Botox-Rogel Fulleros. Ang Kautusang ito ay pagtalima ng Lokal na Pamahalaan sa ipinalabas namang Memorandum Circular No. 114 ng Malacañang Palace na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular No. 06, s. 2022, as amended by CSC Memorandum Circular No. 01, s. 2025.

Dahil dito, pinapayuhan po namin ang lahat ng mga mamamayan ng Juban, lalo na ang may mga transaksyon sa ating Lokal na Pamahalaan, na mangyaring gawin po ninyo ang inyong mga opisyal na transaksyon sa mga oras at mga araw na nabanggit.

Gayunpaman, patuloy ang serbisyo at hindi sakop ng Lunes hanggang Huwebes na EO No. 08 o ng kautusang ito ang mga kawani at ang mga Tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Public Market, Revenue and Collector, Public Safety Unit (PSU), Garbage Collectors and Segregators, at Utility Workers/Street Cleaners. Kaya't kahit araw ng Biyernes ay bukas po ang kanilang mga Tanggapan at patuloy ang paghahatid ng serbisyo.

Mananatili po ang skedyul at sistemang ito hangga't wala pang ipinalalabas na bagong kautusan mula sa mga kinauukulan upang ito ay i-suspende na o tuluyang ipawalang bisa.

Maraming Salamat Po.

Ngayong araw, Marso 11, 2026 bumisita ang mga tauhan ng DA-PhilMech upang magsagawa ng kanilang Monitoring and Evaluatio...
11/03/2026

Ngayong araw, Marso 11, 2026 bumisita ang mga tauhan ng DA-PhilMech upang magsagawa ng kanilang Monitoring and Evaluation ng mga makinaryang pang-agrikultura na naipagkaloob sa Pamahalaang Lokal ng Juban at sa mga Asosasyon ng mga magsasaka sa pamamagitan ng RCEF (Rice Competitiveness Enhancement Fund).

Layunin ng aktibidad na ito na masiguro ang mga makinarya na pinagkaloob sa Lokal na pamahalaan at mga asosasyon ng mga magsasaka ay nagagamit ng tama.

Natalakay din sa naturang aktibidad ang mga suliranin at hamon sa pagpapatatag ng mekanisasyon ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Juban.

Ang ganitong aktibidad ay malugod na pinahihintulutan ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office upang maipaabot sa mga taga gobyerno nasyonal ang mga hinaing ng ating mga magsasaka patungkol sa mga naibigay ng gobyerno na makinarya sa kanilang mga asosasyon.

Ang hangarin na maiangat ang antas ng kabuhayan, at dignidad ng mga magsasakang Jubangnon sa pamamagitan ng mekanisasyon ay patuloy na pagsusumikapan ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office at ng Lokal na Pamahalaan ng Juban sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rogel "Botox" B. Fulleros.

11/03/2026
10/03/2026

𝐏𝐫𝐨𝐜𝐮𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 | SUPPLEMENTAL BID BULLETIN NO. 2

SUPPLY AND DELIVERY OF VARIOUS I.T. SUPPLIES AND EQUIPMENT (PHilMech-Goods-26-03-04)

The PHilMech Bids and Awards Committee (BAC) has issued a bid bulletin to clarify, amend and supplement provisions in the Bidding Documents.

To view the complete and official revisions, please visit https://bit.ly/4l4wYxf

From Department of Agriculture - DRRM Operations Center:DOST-PAGASA Daily Weather Forecast09 March 2026 (Monday, PM)🌧️ T...
10/03/2026

From Department of Agriculture - DRRM Operations Center:
DOST-PAGASA Daily Weather Forecast
09 March 2026 (Monday, PM)

🌧️ The Low Pressure Area (LPA) being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility was estimated based on all available data at 1,405 km East of Eastern Visayas (10.9°N, 138.6°E). It has a MEDIUM chance of developing into a Tropical Depression within the next 24 hours.

🌦 Northeast Monsoon affecting Luzon. Trough of a Low Pressure Area (LPA) affecting Visayas and Mindanao.

⚠️ Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains

🌐 Follow and visit the official website and social media pages of DOST-PAGASA for more information.

To all Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) of Juban that has a student that is entering college this is your chance to ...
09/03/2026

To all Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) of Juban that has a student that is entering college this is your chance to apply for a college scholarship from DAR

Address

Juban LGU Compound, North Poblacion
Juban
4703

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juban Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share