09/08/2026
๐๐๐ฉ๐ข๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐: ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ, ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐, ๐๐๐ฒ๐ | ๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐๐๐
Naging mas makabuluhan ang pagbubukas ng Linggo ng Kabataan 2026 sa pamamagitan ng KapiLingKaya, isang talakayan tungkol sa kalusugang pangkaisipan na nakatuon sa Stress Management and Healthy Coping Strategies.
Ibinahagi ng ating tagapagsalita na si John Lenard H. Latido, MPsy, RPm, CHRA ang mahahalagang kaalaman, makabuluhang pananaw, at mga praktikal na paraan upang matulungan ang kabataan sa stress management at harapin ang ibaโt ibang hamon sa buhay. Binigyang-diin din niya na ang mental health ay isang mahalagang usapin na hindi dapat isantabi o balewalain.
Taos-puso ring pinasasalamatan sina Hon. Datu Alih S. Mamaluba, Hon. Yusoph Mamaluba, Hon. Datu Jackery Macalipat, at Hon. Greg Tacuken Jr. sa kanilang pagdalo bilang mga kinatawan ni ABC President at Punong Barangay Hon. Abduladzis L. Macalipat, at sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa at gawaing naglalayong paunlarin at bigyang-lakas ang kabataan. Maraming salamat din sa Lumayong High School sa pagpapahiram ng kanilang covered court at sa suportang ibinigay upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Higit sa lahat, taos-puso naming pinasasalamatan ang mga kabataang aktibong nakilahok, nakinig, at naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito.
Nawaโy magsilbing paalala ang KapiLingKaya na sa bawat pagsubok, may makakapitan, may magbibigay-kalinga, at may lakas tayong makabangon at magpatuloy.
๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐, ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ.