22/10/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ | ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐
Nagsagawa ng Regular Session ang Sangguniang Barangay ng Kayaga sa pangunguna ni LnB President PB Hon. Abduladzis L. Macalipat upang talakayin ang mahahalagang usapin at mga programang naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko sa barangay.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang paghahanda para sa 2nd Barangay Assembly Day, na gaganapin sa Lunes, Oktubre 26, 2026, sa Barangay Kayaga Covered Court. Tinalakay rin ang pagpapalakas ng mga hakbang para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan (Peace and Order) sa buong barangay.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maagap na pagpasok at pagtupad sa tungkulin ng mga Officer of the Day upang matiyak ang mabilis, maayos, at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa mga residente. Layunin nitong maiwasan ang pagkaantala ng mga transaksiyon at dokumentong kinakailangang mapirmahan, nang sa gayon ay hindi maantala ang pagproseso ng mga kahilingan ng mga mamamayan.
Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Kayaga sa pagsusulong ng mahusay na pamamahala, disiplina, kapayapaan, at serbisyong inuuna ang kapakanan ng bawat residente.