06/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ
๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ |SINANAY ang mga Barangay Official ng Kabacan para sa maayos at patas na pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.
Ayon kay Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) Helen Grace De Justo-Sayon, layunin ng aktibidad na tiyaking madagdagan ang kaalaman ng mga Barangay Official sa pagresolba ng anumang alitan sa kanilang komunidad.
Positibo naman ang pagtanggap ng mga Punong Barangay (PB) sa pamumuno ni ABC President Abduladzis L. Macalipat sa aktibidad laloโt sila ang unang humaharap, kumakausap at umaayos ng mga isyu sa kanilang barangay.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa inisyatibang ito. Umaasa ang alkalde na sa pamamagitan ng Enhancement Training na ito ay mabigyan ng dagdag kaalaman ang Barangay Officials sa patas na pagresolba ng mga alitan.
Naging Resource Speaker sa pagsasanay si Narciso A. Beceira, Jr., LGOO VI na MLGOO ng Antipas, Cotabato.
#๐๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ง
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐จ๐จ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ญ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐๐ญ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ