30/06/2025
๐ญ๐ญ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฃ,
๐ก๐๐ก๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก
Nanumpa sa sambayanang Midsayapenyo ang labing-isang bagong halal na opisyal ng Midsayap na magsisilbi mula 2025 hanggang 2028, sa isang payak ngunit makabuluhang seremonya na ginanap noong Biyernes, Hunyo 27, 2025, sa Rizal Park at buong Midsayap Municipal Hall Compound. Dumalo ang ibaโt ibang sektor upang ipakita ang kanilang suporta sa bagong liderato.
Namumukod-tangi ang pagiging simple ng pagdiriwangโwalang magarbong dekorasyon o engrandeng programa. Sa halip, tampok ang isang taos-pusong salu-salo na inihain para sa mga panauhin, tampok ang mga tipikal na Filipino delicacies.
Kasabay ng panunumpa, isinagawa rin ang Kadiwa ng Pangulo at Serbisyo Midsayapenyo, na naghatid ng ibaโt ibang libreng serbisyo mula sa lokal na pamahalaan para sa mamamayan.
Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor, mga national government agencies (NGAs), civil society organizations (CSOs), at mga barangay at SK officials. Kabilang sa mga panauhing pandangal sina Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza, First District Representative Dr. Edwin Cruzado, Board Member Sittie Antao, at Board Member Rose Cabaya.
Ang mga nanumpang opisyal ay sina Mayor Rolly โUr Da Manโ Sacdalan (muling nahalal), Vice Mayor Maning Rabara, at mga miyembrong Konsehal na sina Dr. Toto Deomampo, Butchik Doletin, Tata Mantil, Balong Bayya, Junjun Ostique, at Ian Ostique. Nanumpa rin ang mga ex-officio members, SKMF Jerald Jumuad, LnB President Renante Arabis, at IPMR Melanio Tomaring.
Nagkaroon din ng panata ang sambayanang Midsayapenyo sa pamamagitan ng mga sectoral representatives. Dito, inihayag nila ang kanilang pagsuporta sa mga programa at gawain ng pamahalaang lokal.